Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/11/2018

0 240

Ferdinand Marcos (Former President of the Philippines)

Kaarawan: Setyembre 11, 1917

Pantay kung makitu­ngo kahit na kanino. Ta­tratuhin niyang presidente ang isang pulubi na may magkaparehas na lebel ng respeto at atensyon. Mabuti ang kalooban. Kaya niyang ipaglaban ang kawalan ng katarungan at makatulong sa mga tao. Handa rin niyang ibuwis ang buhay para sa kapakanan ng iba.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag mong ilayo ang sarili mo sa sariling pamilya. Kailangan mong buksan hindi lamang ang mga mata kundi lakasan din ang pakiramdam. May kakaibang nangyayari sa paligid na kailangan ng kagyat na solusyon. Lucky color: Brown, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Marami ka pang kailangang malaman at hindi ito mangyayari kung tatalikuran mo ang bagong oportunidad. Makinig sa mga paalala para makaiwas sa anumang kapahamakan. Lucky color: White, lucky number: 19.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Makipagsapalaran sa anumang dumarating na trabaho. Alalahanin na laging mahirap sa umpisa. Kung magsisikap at magtitiis, posibleng ito ang simula ng pagbabagong inaasam. Lucky color: Orange, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kaila­ngan mong magdesisyon kung hanggang saan lamang ang limitasyon mo. Iprayoridad ang pamilya kaysa sa anumang bagay. May pagkakataong mas makabubuting huminto na at tanggaping hanggang dito na lamang ang lahat. Lucky color: Red, lucky number: 7.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malalagpa­san ang mga problema. Huwag basta sumuko sa laban. Minsan sadyang kailangang magtiis bago ang sarap. Huwag maging madamot sa mga humihingi sa iyo ng tulong. Lucky color: Gray, lucky number: 32.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Big­yan ng time ang sarili. Itigil muna ang maraming reklamo. Pagtuunan ng pansin ang kirot na nararamdaman. Kailangan mo ng sapat na pahinga. Kung kinakabahan, mas mabuting kumonsulta sa doktor. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ma­suwerteng araw para tanggapin ang alok na trabaho o business opportunity. Makakaarangkada sa matagal mo nang ipinupursige na project. Kaun­ting tiis kung medyo kapos sa budget. May puwedeng pagkakitaan kung patuloy na magsisikap. Lucky color: Green, lucky number: 33.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lawakan ang pang-unawa sa isang problema sa pamilya. Iwasan na ang sisihan dahil hindi ito makakatulong. Mas mabuting magdasal at mag-isip ng mga tamang gagawin. Lucky color: Brown, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kailangan mo munang makibagay sa ilang mas nakakataas sa iyo. Kalimutan na ang pride kung gusto mong tumagal sa trabaho. Ikaw na ang maunang lumapit sa taong nakasamaan ng loob. Mag-ingat sa pagbibitaw ng pangako. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Dagdagan ang effort kung gusto mong madag­dagan ang suweldo. Kung seryoso ka sa pinagsisikapan mo, matuto kang magtiis. Tatahimik din ang magulong buhay sa takdang panahon. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag­relaks at panatilihing bukas ang isip sa mga posib­leng mangyari. Mas lalong papalpak kung magmamadali. Kailangan mong maghintay ng magandang timing para sa gustong pasukin na investment. Lucky color: Green, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Tangga­pin nang maluwag sa kalooban ang mga nangyari na. Isipin ang magandang dulot nito kahit na masakit. May mga limitasyon sa iyo ngayon ngunit bahagi ito ng proseso na kailangan mong pagdaanan. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.