Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/11/2019

0 205

Ludacris
Kaarawan:
Setyembre 11, 1977

May pagkapilyo ang karamihan sa mga la­laking Virgo. Parte ito ng kanilang pleasing at nakakaaliw na personalidad. Walang dull moment kapag kasama mo sila dahil marami silang kakaibang kuwento na may tagong aral. Matalino at hindi basta nagpapatalo sa anumang labanan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas makulay ang iyong imahinasyon ngayon. Mas madali ring mahulog ang loob mo lalo na kung naghihintay ka pa sa iyong ‘the one’. Ang mga nasa negosyo ay may tsansang suwertehin . Lucky co­lor: Violet, lucky number: 13.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gustuhin mo man na magkulong lamang sa bahay, mara­ming seryosong obligasyon at responsibilidad ang kailangan mong harapin. Isang seryosong diskusyon ang magaganap. Ayusin ang mga paliwanag. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mala­kas ang kaway ng tukso para bilhin ang isang mamahaling bagay. Kung may taong umaasa sa iyo, unahin muna ang pagtulong bago ang luho. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas mauunawaan mo ngayon ang mga pangyayari. Ang mga sitwasyong dating nagpahirap sa iyo ay nagbukas na ng bagong oportunidad. Dagdag na inspirasyon ang hatid nito. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas mapopokus ka ngayon sa mga isyung espiritwal. Mas gusto mo ring mapag-isa para makahanap ng inspirasyon. Marami kang matutunan sa sa­rili mo. Lucky color: Green, lucky number: 7.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang kaibigang babae ang magiging sentro ng araw mo. Mas magiging malalim ang inyong koneksyon. Marami kang makukuhang impormasyon sa taong ito kaya samantalahin ang pagkakataon. Lucky color: Red, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Makukuha mo na ang suporta ng iyong boss. Maari itong gamitin para makaapela hindi para sa sarili mo kundi sa isang kasamahan na na­ngangailangan ng iyong pag-alalay. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 6

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas inspirado ka ngayong araw na ito. Mas kalmado rin ang iyong kalooban at madali ka ring makakapagpatawad. Pilitin nang makapag-move on sa isang tampuhan. Lucky color: White, lucky number: 32.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kahit naawa ka sa ibang taong na­ngangailangan kung wala ka namang maibibi­gay, hindi mo na dapat gawing komplikado ang sarili mong sitwasyon para sa kanila. Sa aspeto ng romansa, magiging mas romantiko ang araw na ito para sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang heart-to-heart talk ang magaganap nga­yon sa pagitan mo at ng isang malapit na kaibigan. Piliting magpakatotoo sa iyong nararamdaman. Makukuha mo ang suportang hinihintay mo. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas mauunawaan mo ngayon ang isang katrabaho. Kung may magagawa kang tulong sa kanya, gawin ito. Wag ubusin ang oras sa pagpapantasya. Kailangan mo nang umaksyon kung hindi na umuubra ang paramdam. Lucky color: Peach, lucky number: 41.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging romantiko ang isang hindi sinasadyang pagkikita. Magdudulot din ito ng bagong inspirasyon sa puso lalo na kung single ka pa. May isyung mauungkat na may kinalaman sa isang bata. Lucky color: Brown, lucky number: 22.