Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/12/19

0 313

Kara David
Kaarawan:
Setyembre 12, 1973
Masinop sa ga­mit dahil alam niya na pinaghirapan niya ang lahat ng ito. May magiliw na personalidad kaya naman maraming kaibigan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mong ipakita ang tunay mong emosyon pagdating sa iyong lovelife. Bigyan din ng panahon ang partner mo para makapagdesisyon. Sa harap ng mga hamon, sarili mo pa rin ang tunay mong maasahan bago ang ibang tao. Mas matatag ka kaysa iniisip mo kaya manatiling positibo. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nasa paligid mo lamang ang mga taong nakakapagpasaya sa iyo at alam mong masasandalan mo sa panahon ng pa­ngangailangan. May rason para mag-celebrate upang maipakita ang pagpapahalaga mo sa mga taong ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung ano ang ipinapasok mo sa isang relasyon, iyon din ang aanihin mong tugon. Kung nais mo ng makulay at magandang samahan, ibigay ang espesyal na atens­yon na hinahanap ng partner mo. Lucky color: Blue, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –– Meet them half-way. Hindi puwedeng mag-expect ka sa ibang tao nang wala ka namang ibinibigay. Dagdagan pa ang effort lalo na pagdating sa aspeto ng romansa. Gawing romantiko ang araw na ito para sa iyong mahal. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magrelaks at mag-enjoy. May oras para maging seryoso perosa araw na ito, isantabi muna ang mga seryosong usapin. Hindi rin masamang makiayon muna sa mga pangyayari. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Gamitin ang araw na ito para makapagpahinga kasama ang mga mahal sa buhay. Irelaks ang isip dahil kailangan mo ng enerhiya sa susunod na araw. Maghahatid ito ng bagong oportunidad na kakaila­nganin mong tumutok nang husto. Lucky color: Brown, lucky number: 58.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinapaboran ang araw na ito para sa aspeto ng iyong lovelife. Kung may plano ang iyong mahal, makiayon muna at mag-enjoy sa mga susu­nod na pangyayari. Deserve mo ang matatanggap na atensyon. Hindi rin masamang mag-explore ngayon. Lucky color: White, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwasang makipagsapala­ran ngayon. May malaking pagkakaiba ang pagtitiwala at pagiging ignorante. Ma­ging segurista sa lahat ng aspeto. Iwasan ding pumasok sa isang kasunduan kung hindi pa malinaw ang lahat ng detalye. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Lumabas at mag-enjoy. Kailangan mo ng sikat ng araw, ng simoy ng hangin. Commune with nature dahil ito ang thera­py na hanap ng iyong katawan. Ang mga susunod na araw ay magiging mapanghamon kaya samantalahin ang araw na ito para maihanda ang sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa pagkakataong ito, pairalin ang isip bago ang puso. Minsan ay kailangan lamang maging matatag para sa ikabubuti ng lahat. Iwasang ding pairalin ang awa lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pamilya. Lucky color:Black,lucky number:7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pagtatapos at meron ding mabubuksang pagsisimula. Walang dapat aksayahing panahon para malungkot dahil magkakasabay lamang halos ang pagbubukas ng oportunidad para gawin ito. May posibilidad din para sa isang bagong trabaho o project. Lucky color:Red,lucky number:44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May oras pa para bumitaw nasa iyong kamay kung gusto mong gumaang ang buhay mo. nagiging pabigat na lamang sa iyo. Kung ang isang relasyon, pang-lovelife o pagkakaibigan lamang, ay nagpapahirap na sa iyong kalooban, umpisahan na ang pagdistansya habang kaya pang lumayo nang walang bitterness na iiwan. Lucky color:Peach, lucky number:2.