Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/12/2018

199

Kara David
(Kaarawan: Setyembre 12, 1973)

Puwedeng pagkatiwalaan ng 100 percent ang mga babaeng Virgo. Matalino at mga loyal. Hindi sila madaling matukso. Tahimik pero kapag nagsalita, asahan ang kanilang mga pasabog na desisyon at sasabihin.

 

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa­sakit ang ulo dahil sa dami ng kinain. Mag-chill lang, magpahinga para manumbalik agad ang dating lakas. Lucky color: Peach, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ma­ging honest sa sarili at sa mga minamahal. Iwasang makasa­kit ng damdamin. Ingat sa pagsasalita. Idaan sa diplomasya ang anumang hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maraming darating na bisita pero mas gusto mong manood ng TV o magbasa ng libro. Mauuwi ito sa pagkairita. Hangga’t maari, kausapin ang isang kasama para siyang mag-estima sa mga kaibigan. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas gusto mong mapag-isa sa araw na ito. Maraming nakapilang gawain. Mas mabuting gawin ang trabaho sa umaga at magpahi­nga sa hapon. Kalimutan muna ang mga bagay na nagpapa-stress sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag itodo ang lakas sa ginagawa. Magtira ng kaunti para sa pamilyang naghihintay. Bumawi sa mga pagkukulang. Mag-isip ng magandang treat para sa minamahal. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sumubok ng bagong exer­cise. Yayain ang mga kaibigan. Mag-set ng limitasyon sa pagtulong. Mahirap nang maabuso sa bandang huli. Lucky color: Orange,­ lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mag-explore sa ibang larangan. Maraming nakatagong talent na puwedeng i-develop. Labanan ang insecurity. Aralin ang sitwasyon at saka bumuo ng desi­syon. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May lalapit at nagbabalak na mang­hiram ng pera. Sundin ang instinct. Huwag hayaang magamit ang pangalan sa isang proyekto na walang pahintulot sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number:51.

SAGITTARIUS­ (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Parang walang kapaguran. Maraming magagawa dahil sa kakaibang bugso ng ­energy. Isang kapamilya ang nanga­ngailan ng iyong tulong. Lucky color:White, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May hindi masusunod sa iyong mga plano. Isi­ping mabuti kung itutuloy ang planong pag-a-abroad. Mauuwi sa away ang sisihan. Kumalma at huwag mang-away. Lucky color: Maroon, lucky number: 25.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Magiging busy sa buong araw. Isingit ang pag-e-exercise, pero huwag sosobra. Mahihirap kung ipipilit ang gusto. Bumuo ng isang kasunduan para maayos agad ang isyu. Lucky color: Violet, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Huwag maging martir. Magsalita kung may gustong sabihin. Ipaglaban ang karapatan. Huwag bumigay sa maliit na pagsubok. Lakasan ang loob at lilipas na lang ang problema. Lucky color: Yellow, lucky number: 36.