Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/13/2019

351

Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaarawan:
Setyembre 13, 1957

Praktikal at magaling sa buhay ang mga la­laking Virgo. Madali silang lapitan at hi­ngan ng tulong. Sob­rang metikoloso sa mga gamit at hangga’t maaari ay gusto nilang maayos ang lahat. Nabubuhay sila sa mga challenges dahil para sa kanila, ito ang magtuturo sa kanila ng katatagan at lakas ng loob.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang kaibigan ang lalapit at may pabor na hihilingin. Bigyan siya ng sapat na atensyon dahil ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Iwasang tumanggi kung may kakayahang makatulong. Lucky color: Maroon, lucky number: 32.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gamitin ang araw na ito para magrelaks. Kung may gusto kang gawin na matagal mo nang pinag-iisipan, gawin na ito ngayon basta ‘wag makalimot na magpahinga kahit saglit. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Masyadong napopokus ang iyong atensyon sa trabaho. May aspeto sa buhay na napapabayaan. Hindi masamang irelaks muna ang isip bago muling bumalik sa trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 31.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung batid mong naibuhos mo na ang lahat ng effort na kaila­ngan, dumistansya na at maghintay ng resulta. Iwasang maging negative. Gamitin ang araw na ito sa pakikisalamuha sa mga kaibigan. Lucky color: Peach, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas moody ka ngayon kaya makabubuting umiwas muna sa mga madramang sitwasyon. Hindi maganda ang epekto sa iyo ng sobrang pag-iisip. Kontrolin ang bugso ng emosyon na posibleng magdulot ng epekto sa kalusugan. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa gitna ng mga kaabalahan, may isang tao na magiging laman ng isipan. Tila may pahiwatig ito na hindi puwedeng balewalain. Alamin ang kinaroroon nito at kumustahin. Lucky color: Green, lucky number: 54.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas madali sa iyo ngayon ang magpakita ng magandang impression sa mga tao sa paligid mo. Magagamit mo ito sa hinahangad na promosyon. Anuman ang pinagkakaabalahan mo, naibibigay mo ang iyong best effort. Parating na ang hinihintay na sulat. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May hatid na saya ang araw na ito. ‘Wag nang mag-isip ng mga negatibo. Deserve mo ang mga nangyayari kaya deserve mo ring mag-enjoy at maging masaya. Isantabi muna ang mga problema na nagpapabigat sa iyong kalooban. Lucky color: White, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May bagong atraksyon na nararamdaman. Maaari itong lumalim kung mabibigyan ng atensyon. Nasa iyong mga kamay ang katuparan ng isang mithiin. Maraming paraan kung magpupursige sa buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Alisin muna ang mga worries. Gamitin ang araw na ito para makapagrelaks. Makipag-usap sa mga bata na may malayang pag-iisip. Kailangan mo ng bagong environment para sa inaasam na katahimikan. Lucky color: Orange, lucky number: 46.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung masyadong na-pressure sa mga nagdaang araw, nga­yon naman ang pagkakataon mo para maghinay-hinay. Lumanghap ng sariwang hangin. Kailangan mong ibaling ang tingin sa makukulay na kapaligiran. Lucky color: Pink, lucky number: 55.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Tuloy-tuloy lamang sa mga plano mo na may kinalaman sa iyong ambisyon sa buhay. Kung may mga hadlang, walang ibang dapat gawin kundi harapin ito. Pagkatapos ng lahat ay magiging maaliwalas din ang lahat. Lucky color: Gray, lucky number: 11.