Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/14/19

351

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang binabalak mong pagbabakasyon ay magkakaroon ng katuparan ngayon. Hindi nga lang kasinghaba ng inaasahan mo pero magiging sulit naman ito. Maaliw sa mga taong nakapaligid sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 14

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Malabong mangyari ang inaasahan mo. Una sa lahat ay hindi sasang-ayon sa’yo ang mga tao sa paligid mo. Pangalawa may hahadlang sa iyong mga plano. Pero kalma ka lang dahil kung may tiyaga ay may nila­ga. Lucky color: Gray, lucky number: 1

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Pero sa halip na magmukmok ay dapat kang umisip ng ibang paraan. Gumimat ng ibang diskarte para maabunan ng suwerte. Lucky color: Black, lucky number: 67.

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22) – Mabubulilyaso ang tangka mong pagsorpresa sa isang mahal sa buhay. May biglaang bisita na uubos sa iyong araw at oras. Pero sa halip na mainis ay ipagkikibit-balikat mo na lamang ito para ‘di ka ma-bad trip. Lucky color: Red, lucky number 25.

LEO (Huyo 23-Agosto 22) – Ang pagnanais mo na mabago ang iyong buhay ang siyang magtutulak sa’yo patu­ngo sa iyong pangarap. Pero makakaramdam ng lungkot sa hindi malamang dahilan. Mas mabuting magpahi­nga na lang muna. Lucky color: Yellow green, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pagbabagong magaganap sa loob ng relasyon. Ayaw mo man nito ay wala kang magagawa dahil ito ang iyong kapalaran. Ito ay dahil lamang sa isang tao na makikialam sa inyong samahan. Lucky color: Peach, lucky number: 15.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magi­ging busy sa negosyo. May magandang resulta sa maayos na trabaho. Ikatutuwa ito ng may-ari at maganda rin ang balik nito sa’yo. Lucky color: Green, lucky number: Violet.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May bago kang makikilala na magpapangiti sa’yo. Siya ang tao na makapagbibigay sa’yo ngayon ng inspiras­yon. Maraming kang maririnig na komento sa paligid, pero ‘wag makinig sa tsismis. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Daig ng maagap ang taong masipag. Iyan ang mapapatunayan mo ngayon dahil maaagapan mo ang isang mahalagang bagay na may kinalaman sa iyong trabaho. Bigyang pansin ang kalusugan. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Masakit marinig mula sa bibig ng iyong mahal na hindi siya naging tapat sa’yo. Pero hindi mo gusto na mauwi sa wala ang pinagsamahan n’yo matutong magpatawad. Gayunman, mag-set ng limitasyon sa sarili para hindi maabuso. Lucky color:­ Pink, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero­ 18) – Sa kabila ng mga ebidensya ay hindi ka pa rin aamin sa iyong nagawa. Hindi naman sa wala ka talagang balak aminin kundi gusto­ mo lang maiwasan na lumala ang sitwasyon. Manahimik kaysa magalit. Lucky color: Green, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Matatapos mo ng maayos ang lahat ng gawaing bahay kaya naman matutuwa ang mga kasama mo dito. Mula ngayon ay aasahan na nila ang kasipagan mo. ‘Wag sirain ang magandang simula dahil lang sa tampuhan. Lucky color: Orange, lucky number: 46.