Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/14/2018

0 144

Iñigo Pascual
Kaarawan: Setyembre 14, 1997

Maingat sa taong kakaibiganin. Pero sa sandaling maging kaibigan, hindi ka niya iiwanan. At kahit na hindi sila madalas magparamdam, asahan mo ang loyalty ng mga Virgo sa oras na kailanganin mo sila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang kasama sa bahay ang gustong lumayo muna. Kausapin ito at makinig sa kanyang mga sasabihin. May impluwensiya mula sa labas na pilit na nanggugulo sa iyo. Mag-ingat. Lucky color: Red, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ayaw mo munang makipag-usap kahit na kanino. Mahirap ito para sa iyo kaya’t mas mabuti nang magpatulong. Lilipas lang din ang pakiramdam na ito. Pagbigyan ang sarili­ sa mga gustong gawin. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging maayos ang takbo ng pananalapi. May topic na ayaw mo munang pag-usapan .Pero malalaman din ito ng mga kaibigan kaya’t huwag nang mag-deny pa. Huwag mag-alala dahil handa sila na unawain ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas gusto mo munang mapag-isa at magbasa na lang ng paboritong libro. May biglang dadalaw o makakatanggap ng sopresang tawag. Huminga ng malalim. Ayusin ang kilos at pagsasalita. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May pakiramdam ka na parang may nangyaring mali. Ito ang magbibigay ng kaba sa iyo sa buong araw. Mas mabuting tawagan na ang isang tao at alamin ang nangyari para matahimik ka na. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magkakaproblema ang kompanyang pinapasukan. Magugulat sa mga taong sangkot. Magiging mainit ang diskusyon. Piliting maging kalmado kung gusto mong may kahitnatnan ang pag-uusap. Lucky color: Silver, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May magaganap na pagbabago sa pinapasukan at dahil dito mag-iiba ang attitude sa trabaho. Hindi pa ito ang tamang oras para magdesisyon. Lucky color; Orange, lucky number: 32.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magugulat sa mga rebelasyon. Gayunman, may hatid itong positive deve­lopment. Magiging malinaw ang mga isyu sa iyong buhay o lovelife. Isulat ang mga ideya para hindi makalimutan. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mabubuksan ang isang sikreto. Kagagawan ito ng ina­kalang mga kaibigan. Maging aral sa iyo ang mga hindi magandang nangyari­ sa relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 48.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahigpit ang kumpetisyon. Kung hindi na kayang lumaban, ikaw na mismo ang umalis at lumayo. Magandang ideya para pag-isipan ang isang proposal. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-relax muna kahit sandali. Masyadong demanding ang trabaho at baka hindi­ mo na kayanin. Kung anuman ang maging­ desisyon ay panindigan ito. Maghintay pa ng ilang araw bago ituloy ang binabalak na investment. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang kaibigan o loved one ang dadalaw. Iwasang mag-isip ng masama. Pagod ka lang kaya’t binabalot ka ng takot. Mas mabu­ting magpahinga para mabawasan­ ang init ng ulo. Lucky color: Gray, lucky number: 45.