Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/15/19

241

Prince Harry (Duke of Sussex)

Kaarawan: Setyembre 15, 1984

Importante para sa mga lala­king Virgo ang pagiging tapat ng isang babae, supportive at may kagaya ng kanilang pag-uugali. Kikilalanin muna niyang mabuti ang isang napupusuan bago siya manligaw o pumasok sa relasyon. Mahirap magpapansin sa kanila pero mas mahirap silang paibigin dahil hindi silang madaling ma-please o mapasaya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Manatiling kalmado para hindi mawala sa ang focus mo sa ginagawa. Mahirap kumontra sa isang bagay na hindi mo kayang panindigan. Idaan sa diplomasya ang lahat ng gagawing pakikipag-usap. Lucky color: Yellow, lucky number: 40

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May isang indibidwal na kukuwestyon sa iyong awtoridad. Ipakita sa kanya kung sino ang tunay na may hawak ng kontrol. Iwasang mapikon dahil sukatan din ito nang pagiging propesyunal sa trabaho. Lucky color: Gray, lucky numbe: 13.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May isang tao na hindi tapat sa iyo. Magugulat sa matutuklasan tungkol sa taong ito. Maging mapagbantay at mag-obserba muna. Hindi pa panahon para pilitin siyang sabihin ang katotohanan. Lucky color: White, lucky number: 38.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag agad paniwalaan ang mga maririnig.Kailangang mong makatiyak kung totoo ito o tsismis lang. Importanteng mag-double check ka muna bago maniwala. May mga taong sad­yang inililihis ang katotohanan para sa kanilang pansariling interes. Lucky color: Pink, lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong tumulong kahit hindi mo gusto. May kinalaman ito sa isang taong bahagi ng iyong nakaraan. Ibigay na rin ang pagpapatawad na matagal nang nakaabang sa iyong puso. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kakailangin ang tulong ng isang kasamahan. Mas makakakilos ka nang maayos kung ikaw ang masusunod at hindi magpapadikta sa ibang tao. Maging mapagpensya. Lucky color: Blue, lucky number: 54.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magtiwala sa sarili. Walang ibang makakatulong sa iyong problema kundi ikaw lang. Labanan ang nararamdamang lungkot. Iwasang din ang magmamadali dahil mas lamang ang mga aberya. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging mahirap kausap ngayon ang isang taong kasama mo sa bahay. Makabubuting dumistansya muna dahil hindi ka mananalo sa kanya. Wala siya sa mood kaya’t mas ma­buting magpalamig ka rin muna. Lucky color: Orange, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung may isi­narang pinto para sa iyo merong magbubukas ng bagong oportunidad. ‘Wag masyadong excited dahil baka hindi ka makahinga sa sobrang tuwa. Paghandaan ang isang bagong kabanata. Lucky color; Red, lucky number: 6.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19) – Importanteng mag-low profile ka muna sa araw na ito. Iwasan ang pagtatalo. Walang mana­nalo kung paiiralin ang galit at pride. Kaunting control sa pagsasalita. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May alanganing sitwasyon na kailangang pagdaanan. Hingin muna ang opinyon at go signal ng ka-partner bago sumabak. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging mapilit ang isang kaibigan. Pero nasa iyo pa rin ang huling salita. Panindigan ang desisyon dahil ito ang tama. Itigi muna ang anumang plano hangga’t wala pang kasigurasuhan sa pinansyal. Lucky color: Gold, lucky number: 49.