Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/16/2019

391

Janno Gibbs

Kaarawan:
Setyembre 16, 1969

Likas sa mga lalaking Virgo ang pagiging mabusisi at gusto laging nakaaayos ang mga bagay-bagay sa paligid. Mas gusto niya ang routine kaysa sa paiba-ibang diskarte. Madalas nakalista ang lahat ng kanyang gagawin sa isang araw para wala siyang makalimutan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magpokus sa mga isyung pampamilya. ‘Wag balewalain ang mga paalala. May mga bagay na dapat ipagpasalamat dahil sa magandang pagkakataon. Bigyan ng sapat na panahon ang pakikinig sa mga hinaing ng iyong partner. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag pumusta sa mga talunan. Iwasang maipit sa drama ng mga kaibigan o kapamilya. Kung hindi ka kasali sa gulo ay mas mabuting ‘wag na magsalita. Magpokus sa mga mas importanteng isyu. Lucky color: Red, lucky number: 27.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa dami ng mga pinagkakaabalahan, maaaring nakakaligtaan na importante. Magi­ging mahirap ang bawat hakbang sa araw na ito dahil sa iniindang sakit. Tiyaking matatag ang katawan at hindi lamang ang isipan. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hul­yo 22) – Kung nagiging matindi na ang pressure sa paligid, hindi masamang ikonsidera ang pag-iisa. Kailangan din ng pahinga ng isip. May mga bagay na dapat sarilinin muna. Huwag idamay ang ibang kasama sa iyong prolema. Magrelaks bago ka tulu­yang malunod sa pressure. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wala kang kontrol sa iyong kasalukuyang sitwasyon pero kaya mong kontrolin kung paano ang magiging reaksyon mo rito. Magpakatatag ka. Ngayon mo masusukat ang iyong lakas at impluwensya. Lucky color: Violet, lucky number: 42.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Anuman ang iyong itinanim ay sisimulan nang anihin. Ang isang kabutihang nagawa mo sa nakaraan ay ibabalik sa iyo nang buo. Sa aspeto ng love life, magiging masaya sa bagong nagugustuhan. Lucky color: White, lucky number: 14.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hinay-hinay muna at balansehin ang nangyayari sa iyong paligid. Posibleng nasosobrahan ka na sa obligasyon at kailangan mo munang magbawas. Hindi rin masamang magreklamo basta may basehan. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang bahagi ng personalidad mo ang na­tutuwa sa mga nangyayaring ma­laking pagbabago. Pero mala­king responsibilidad din ang ibibigay nito sa iyo. Tiyakin mong handa kang tanggapin ang lahat. Ma­ging open minded sa nangyayari sa iyong buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magpokus. Maaaring hindi maiwasan ngayon ang mangamba at magduda sa iyong kakaya­han at sa anumang pinagkakaabalahan mo. Sa gitna ng pagka­balisa, tingnan ang bigger picture at kung ano ang naghihintay sa iyo sa dako pa roon. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang isang tinatanggihan ay panghihinayangan. Kung ano ang dahilan ng iyong pagtanggi ay pangatawanan na ito. Maiisip mo rin na wala ka sa tamang rason para magalit. Lucky color: Gray, lucky number: 53.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Hindi simpleng bagay lamang ang pinaglalaanan mo ng malaking pera kaya naman ga­wing prayoridad ang kalidad. Marami kang kailangang isakri­pisyo sa araw na ito para maituwid ang mga pagkakamali. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakawala ka na sa mga kadramahan. Kahit malalapit sa puso mo ang mga taong involved sa isang madramang sitwasyon, ‘wag nang matuksong ma-involve. Dagdagan din ang pasensya sa mga kaibigan mong nagiging emosyunal. Lucky color: Gold, lucky number: 44.