Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/17/2019

484

Aiza ‘Ice’ Seguerra
Kaarawan: Setyembre 17, 1983

Wala ka nang haha­napin pa sa isang babaeng Virgo. Matalino, mabait at likas na matulungin. Isang bagay na mahirap para sa kanila ang maging open sa kanilang personal na buhay. Pero sa sandaling nagtiwala na siya sa isang tao, ipapakita na niya ang totoong siya na mas lalo mong mamahalin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Pagbigyan ang sarili na maipakita ang creative side. Hindi masamang magplano na para sa magiging grandeng bakasyon ng taon. Paghandaan itong mabuti. Lucky color: White, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangang itigil na ang pakikipagtalo sa mga kaibigan at kapamilya. Kontrolin ang iyong emosyon. Kung mas­yado nang nagiging madaldal mas mabuting itikom ang bibig. Hindi mo gugustuhing magkaroon ng kagalit dahil lang sa iyong kadaldalan. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang dahilan para malungkot dahil papaganda pa ang takbo ng buhay mo. Hindi mo kailangang maawa sa sarili sa halip ay magpokus sa mga bagay para madagdagan ang mga kaalaman. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pinapaboran ang lahat ng bagong pagsisimula. Burahin ang anumang pagdududa sa kakayahan. Sa pamamagitan ng suporta ng mga taong nagmamalasakit sa iyo, ang lahat ay magagawa mo. Walang imposib­le sa taong masikap. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung isang tao sa paligid mo ang gumagawa ng hindi maganda para sa iyo, hindi ka dapat magkunwaring masaya sa ginagawa niya. Kailangang ipakita na iritada ka na sa kanya para hindi na niya maulit ang maling ginagawa sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Walang pupuntahan ang taong masyadong mataas. Matutong bumaba at makibagay. Wala ka pang maipagmamalaki kaya’t magdahan-dahan sa pagi­ging astig. Tiyakin muna ang mga dapat na gawin bago kumilos. Lucky color: Red, lucky number: 26.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan mong gumawa ng mas malaking ingay para maigiit ang gusto mo. Lahat ay may opinyon pero kailangang matiyak mong naririnig din ang iyong opinyon. May taong humaharang sa mga intensyon mo. Mag-ingat. Lucky color: Pink, lucky number: 4.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Nasa taas ng iyong agenda ang mga usapin sa pera. Hindi na uubrang manatiling kapos sa budget kung may magagawa ka naman para mag-improve ang iyong sitwasyon. Maghanap ng ibang opsyon para sa bagong pagkakakitaan. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Anumang sitwasyon ang kaharapin, pa­kaiwasan na magalit o mapikon. Maraming dapat pagkaabalahan at hindi kasama rito ang mga nega­tibong emosyon. Stay positive para sa isang masa­yang araw. Lucky color: Orange, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malaki ang tsansa na makuha mo ang mga gusto mo kahit nag-uumpisa pa lamang ang taon. May mga taong hindi pabor na maging masaya ka pero wala silang magagawa dahil makikiayon ang mga pangyayari sa mga gusto mo. Lucky color: Violet, lucky number: 11

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa anumang sitwasyon, hindi masamang makipagkompromiso para lahat ng panig ay maging masaya. Piliin ang lahat ng positibo at hindi ka magkakamali ng direksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Anuman ang posisyon mo, ito ang pangatawanan mo. Ang mga pagbabagong papasok ay papabor sa mga kagustuhan mo. Hindi masamang itaas pa ang tinata­rget mo at alisin ang mga limitasyon para sa matayog na pangarap. Lucky color: Gold, lucky number: 10.