Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/18/2019

318

Jada Pinkett Smith
Kaarawan:
Setyembre 18, 1971

Malakas ang karisma sa opposite sex. Madali lang silang pakisamahan at patawanin. May mababaw na pa­ngangailangan sa buhay. Hindi sila ang klase na mahilig sa karangyaan. Mas importante sa kanila ang quality time kasama ng pamilya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo ngayon. I-welcome ang mga oportunidad para maging mas makulay ang iyong lovelife. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Walang rason para ma-insecure ka. Sapat ang iyong karisma at hindi naman dapat ikahiya ang iyong mga katangian. Iwanan na muna ang mga takot at alilangan. Itaas ang noo at ayusin ang pagsasalita sa harap ng mga tao. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mapopokus sa iyong lovelife o posibleng bagong lovelife ang iyong atensyon sa araw na ito. Nahanap mo na ang excitement na gusto mo. May posibilidad ito sa isang bagong pagkakakilala. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nakikiayon sa iyo ngayon ang mga pangyayari. Mas malamang din ang panalo. Asahan ang paparating na grasya. May pag-asa na muling magkakaroon ng linaw ang mga problema. Lucky color:Green, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong mailabas ang nararamdaman mong tensyon sa katawan. Piliting matulog ng mahabang oras. Mag-iiba ang pananaw mo sa susunod na araw kung nakapahinga ang katawan at isipan. Lucky color: Silver, lucky number: 14.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nasa tamang direksyon ka hindi lamang sa iyong career kundi pati na rin sa iyong lovelife. Malaki ang magiging epekto ng iyong gagawin ngayon at sa mga susunod na araw. Isang pangarap ang biglang ilalatag sa iyong harapan. Lucky color: Pink, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Wala sa bokabularyo mo ngayon ang sumuko. Hindi masamang patuloy na ipaglaban ang isang nararamdaman. Hanggang may nakikitang katiting na pag-asa, patuloy na magtiwala. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May naghihintay na oportunidad sa romansa. Magandang pagkakataon ang idudulot ng araw na ito para masabi mo ang iyong nararamdaman. Magiging maaliwalas ang buong araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Isang taong malapit sa puso mo ang nangangailangan ng tulong. Maaring hindi niya alam kung paano ang tamang approach. Ikaw na ang unang lumapit at makipag-usap. Lucky color: White, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nasa iyong lovelife ang pokus ng araw na ito partikular sa bandang gabi. Panatilihin ang malakas na confidence level. Huwag katakutan ang bagong pagsubok na darating. Lucky color: Gold, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maiirita sa maliit na isyu. Mas mabuting palagpasin na lang ito kaysa bigyan ng oras. Maibubunton ang init ng ulo sa isang kasamahan . Mabuting dumistansya muna para makaiwas sa tensyon. Lucky color: Gold, lucky number: 8.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Naghahanap ka ng isang bagay o pangyayari na makakapagsaya sa iyo. Bakit hindi subukang gumawa ng mabuti ngayon. Makikita mo ang kakaibang kasiyahan na idudulot nito sa iyong sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 40