Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/19/2018

107

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Patuloy na mag-aalab ang lovelife. Dadagsain ng maraming admi­rer. Kung single, posibleng magkaroon ng bagong love partner pero kung hindi na, mas mapapamahal sa kapartner. Mag-sche­dule ng intimate dinner at i-enjoy ang isa’t isa. Lucky color: Red, lucky number: 10.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Fee­ling milyonaryo dahil sa dami ng perang dumarating. Ayusin ang mga sirang parte ng bahay. Bigyan ng sexy na regalo ang kasuyo. Mas lalakas ang sex appeal kung confident sa sarili. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang dating kakilala na matagal nang hinahanap ang biglang magpapakita. Mag-e-enjoy sa pakikipag-usap­ dito. Mararamdaman ang kakaibang chemistry sa isa’t isa. Kung hindi na single, ikonsidera na lang ito bilang isang kaibigan.Lucky color: Gold, lucky number: 7.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Parang wala nang mahihiling pa. Magiging maayos ang career at takbo ng pananalapi. Good timing para pagyamanin ang spiri­tuality. Mag-practice ng meditation para sa kapayapaaang hinahanap sa buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging inspira­syon ang isang kaibigan. Ayaw mo man itong aminin sa sarili, ramdam mo ang kakaibang feeling kapag nakikita ang taong ito. I-enjoy lang ang nararamdaman dahil lilipas lang din ito.Lucky color: Maroon, lucky number: 55.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maging praktikal at down to earth. Ma­lilinya sa pagbabasa ng mga love story at dahil dito, maeengganyo kang magsulat. Paghandaan ang special date. I-enjoy ang buong araw sa labas ng bahay. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bago makialam sa problema ng iba, tingnan muna ang sariling bakuran para hindi mapulaan. Maraming sopresa sa araw na ito. Magtiwala lang dahil na iyong harapan na ang hinihintay na suwerte.Lucky color: White, lucky number: 48.

Related Posts

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pag-isipang mabuti ang planong pagpapalit ng career. Isang kasamahan ang may iaalok. Huwag basta kumuha hanggat hindi sigurado sa sarili. Sun­din ang instinct bago maglabas ng malaking pera.Lucky color: Gray, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May isang tao na la­ging laman ng isipan. Itigil na ang pagsasayang pera. Ma­ging focus at seryoso kung gusto mong magtagumpay sa buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Masuwerte kung magiging mapili sa negosyong papasukan. Magigising ang diwa sa isang kakaibang panaginip. Ha­yaan lang muna ang isang isyu para hindi na lumaki pa. Lucky color: Orange, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Malilito sa tunay na nararamdan. Kung ito ang pinoproblema, mas mabuting magpalipas muna ng ilang araw para makapag-isip. Mahirap pilitin ang sarili sa isang tao na hindi mo pa tunay na kilala. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mapipilitang magsalita sa isang pagtitipon.Mahihiya sa umpisa, pero kalaunan ay magiging at ease ka na rin. Pagkatapos nito, yayain ang kaibigan na magkape o kumain sa labas para sa magkwentuhan. Lucky color: Green, lucky number: 30.

Kobe Paras
Kaarawan: Setyembre 19, 1997

Laging may rason. Hindi nauubusan ng katwiran ang mga Virgo man. Mabilis silang mag-isip at madalas hindi nila ipinaiiral ang emosyon­ lalo na sa paglutas ng mga problema sa puso. Handa silang makinig sa anumang klase at makiramay sa mga taong may problema. Magaling sila sa pagbibigay ng payo kahit sa alanga­ning oras.