Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/19/2019

271

KOBE PARAS
Kaarawan: Setyembre 19, 1997

Irespeto ang kanilang private space. Ayaw nila ng magulo at maingay. Mas gusto nila ang tahimik para sila ay kumalma. Kahit na naiiba sila, kailagan mong unawain ang kanilang kakaibang mga trip sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang pagbabago ang magiging daan para makatrabaho mo ang isang taong higit na kakaiba ang talento kumpara sa iyong sarili. Magiging maganda ang resulta nito at marami ka pang matututunan kaya samantalahin ang pagkakataon. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas creative ka sa araw na ito. Mas madali ring makuha ang pagsang-ayon ng mga tao sa bawat ideyang inilulutang mo. Pagdating sa romansa, ang isang simpleng relasyon ay mas magiging matatag. Lucky color: Green, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Pana­tilihing bukas ang isip sa mga ideyang ibi­nabahagi ng iyong partner. Ipakitang kaya mong makinig nang wala munang pagkontra. Ang iyong mahal ay puwede mo ring ma­ging tunay na best friend. Lucky color: Brown, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nasa pera ang pokus ng araw na ito. Galingan pa ang pagba-budget at kontrolin ang kagustuhang gumastos. May isang positibong balita na magpapasaya hindi lamang sa iyo kundi sa buong pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami ang naiintriga sa iyo ngayon kaya kahit ang mga taong likas na mapili ay makikiayon sa iyong mga plano. Isang relasyon ang manlalamig kung hindi ka magbubuhos ng effort para isalba ito. Lucky color: Red, lucky number; 17.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nasa pananalapi ang pokus. May mga pangyayaring magbibigay sa iyo ng peace of mind. Sa aspeto ng romansa, ang dating pinapangarap mo lamang ay abot-kamay mo na. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May dagdag na responsibilidad na may kina­laman sa pamilya. Hindi ka mahihirapan kung hihingi ka ng pag-alalay sa ibang kapamilya. Isang bagong kakilala ang makaka-match mo sa ugali at personalidad. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang mga tunay na kaibigan ay natutuwa sa iyong tagumpay at ang mga lihim na kaaway ay laging naghahanap ng negatibo. Sa mga single, ‘wag magmadali sa pagha­hanap ng bagong mamahalin. Kusang ilalapit sa iyo ang hinahanap mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Ipakita mo ang respetong deserve ng iyong partner. Ibahagi sa kanya ang iyong mga plano. Ang patuloy mong pana­nahimik ay lalong magpapalayo sa inyong agwat. Dagdag effort pa sa aspeto ng komunikasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 23.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May kalituhan pagdating sa iyong na­raramdaman para sa isang particular na indibidwal. Pagmamahal ba ito o naghahanap ka lamang ng pansamantalang pagsasaya? Kilalanin munang mabuti ang isang tao bago ibigay ang iyong tiwala. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas madali mo ngayong maisusulong ang lahat ng plano mong may kinalaman sa iyong career. Pinapaboran din ang aspeto ng komunikasyon. Pagdating sa relasyon, mas malaki ang potensyal na mas lumalim pa ang iyong commitment. Lucky color: Yellow, lucky number: 47.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maaaring mahulog ang iyong loob sa isang taong kakaiba sa karaniwang standard mo ng ideal person. Posibleng maging malaking challenge ito sa iyo sa mga susunod na araw. Lucky color: Gold, lucky number: 51