Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/24/2018

167

Coleen Garcia
Kaarawan: Setyembre 24, 1992

May reputasyon ang mga babaeng ­Libra bilang mga wild at mapaglaro. Pero sa totoo lang, sweet lang sila kaya madalas nami-misinterpret. Magaang silang kasama at hindi mahilig sa mga kadramahan sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi mo kailangang makipagkumpitensya. Matagal mo nang napatunayan ang iyong galing sa trabaho. Huwag pansinin ang parinig ng mga taong ­naiinggit sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung ­gusto mong makuha ang totoong kasagutan, kailangang diretsahin ang kausap. Iwasang magpaligoy-ligoy. Mag-ingat din sa pagsasalita. Iwasang makasakit ng damdamin. Lucky color: White, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ­Walang masama kung umamin na hindi mo alam ang lahat ng bagay. Isang malaking hinala ang magkakatotoo. Makakatulong ang pakikinig ng ­music kung gusto mong kumalma. May namumuong magandang pagtitinginan ng isang kaibigan. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag pagdudahan ang taong tunay na nagmamalasakit. ‘Wag masamain ang pagdamay ng isang malayong kamag-anak. May magandang aral na kailangang laging itanim sa isipan na siyang magiging gabay mo sa iyong tagumpay. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Walang ­masama kung aalisin ang hindi magandang nakagawian. Magpasalamat kahit sa maliit na ­regalo. Huwag sukatin sa salita ang pagkatao ng isang kaibigan. Magtiwala sa gut instinct. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag magpatangay sa galit. Ikaw ang mata­talo kapag ginawa ito. Magbilang muna hanggang 10 bago isiwalat ang sikreto. Magiging maluwag ang pakiramdam kapag nailabas ang matagal nang mga nakatago sa loob. Lucky color: White, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May dramang hatid ang araw na ito. Isang kaibigan o isang kapamilya ang may magandang balita. Huwag palakihin ang maliit na isyu. Alalay sa pagbibigay ng payo kung hindi ka pa sigurado sa totoong kuwento. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ituloy ang planong career path. Mas susuwertehin sa bagong trabaho. Hindi masamang sarili naman ang unahin sa pagkakataong ito. Lucky color: Violet, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mahirap kumawala sa isang makalumang kaugalian. Sa kabila nito, puwede namang baguhin ang iyong attitude para sa sari­ling kabutihan. Mas lawakan pa ang pang-una­wa. Lucky color: Pink, lucky number: 43.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero­ 19) – Malilito sa dami ng tao sa paligid. May ­kakaibang kilig ang hatid ng isang kababata. ‘Wag nang makigulo pa sa nakararami. ­Magser­yoso na sa trabaho. Lucky color: Green, lucky number: 56.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi makakaiwas sa intriga. May hatid na komplikasyon kung makikisangkot ka dito. Dumistansya na agad habang hindi pa huli. Lucky color: Blue, lucky number: 26.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang mga pangyayari ay nakikiayon sa iyong mga napagplanuhan. May hatid itong peace of mind para sa iyo. Pero maraming tukso sa paligid. Ikaw na lang ang kusang lumayo. Lucky color: Violet, lucky number: 22.