Abante Tonite Interactive

Horoscope – 09/28/2017

11

ARIES (March 21-April 19) – Love at kumpetisyon ang mangingibabaw sa araw na ito. I-pamper ang sarili. Huwag malito sa isang alok na walang ibubungang maganda para sa sarili.

TAURUS (April 20-May 20) – Sarilinin ang problema tungkol sa pamilya. Puwedeng lumaki ang isyu kung ilalabas ito sa loob ng bahay. Magi­ging problema ang ka-partner na tamad.

GEMINI (May 21-June20) – Isang tao ang makakatulong sa future. Sumali sa usapan. Maglakbay para makakilala ng mga bagong kaibigan. Mag-enjoy lang sa buhay.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Feeling mo ay natalo ka na, pero hindi ito ang totoong nangyari. Mahihirapang makatrabaho ang isang kasamahan. Ingat sa doble-kara na kaibigan. Huwag pansinin ang nangyayari sa paligid.

LEO (July 23-August 22) – Walang puwedeng makapigil sa gustong gawin. Maraming gustong umeksena para mapunta sa kanila ang kredito ng magandang nagawa. Ingat sa paglabas-labas sa gabi.

VIRGO (August 23-September 22) – Maglinis ng bahay. Ibahin ang ayos ng kagamitan sa bahay para mag-iba ang ambiance pag-uwi. Walang dapat sisihin sa sariling kasalanan kundi ang sarili.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Tuparin ang ipinangakog tulong sa grupo na kinabibi­liban. Makukuha ang respeto ng mga kasama. Susuwertehin sa pakikipagsosyo sa negosyo.

SCORPIO (October 23-November 21) – Magiging mabenta ang ideya. Paganahin ang isip at imahinasyon. May kapupuntahan ang pagpapansin sa isang kapitbahay. Goodluck sa bagong lovelife.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Tumigil sandali sa ginagawa at humarap sa salamin. Pag-aralan kung ano ang dapat na i-improve sa sarili. Magbakasyon para umaliwalas ang isip.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Labanan ang depresyon. Sumubok ng bagong hobby. Gawin ang gusto para maging maayos ang kabuhayan. Mag-iiba ang pakiramdam sa bagong kapaligiran.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magiging in-demand sa business. Maraming tao na gustong makipag-usap at makihalubilo sa iyo. Ihanda ang sarili sa pagsagot sa mga tanong. Huwag maging martir kung nasasaktan na.

PISCES (February 19-March 20) – Huwag kuwestiyunin ang sariling choices. Bigyan ng tsansa ang sarili na ma-develop ang nararamdaman na para sa iyong kaligayahan. Isang respetadong tao ang may kakaibang alok. Pag-isipan ang isasagot.