Abante Tonite Interactive

Horoscope 1/1/2018

343

Kate Bosworth

Kaarawan: Enero 2, 1983

Kapag nagmahal ang babaeng Capricorn, kailangan niyang hara­pin ang desisyon sa kanyang sarili para maging masaya siya sa relasyon. Mapili at maingat sa taong mamahalin dahil ayaw niyang magkamali. Dahil sa pagiging res­ponsible, gagawin niya ang lahat para mapasaya ang taong bibigyan ng kanyang puso.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mapapansin na wala ang koneksyon sa isang tao. Alam mo sa iyong sarili ang dahilan nito. Hayaang makapapag-isip para sa isang malaking desisyon na gagawin. Lucky color: Gold, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magi­ging maayos ang isyu tungkol sa love at romansa. Magtiwala sa ginawang plano para makuha ang bagay na gusto mo. Magiging dramatic sa umpisa pero hintayin mo ang ending. Parang hindi totoo ang nararamdaman sa kasalukuyan.Lucky color: Silver, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Gusto mong matakasan ang isang panaginip. Gawin ang nararapat mong gawin. Maglaan ng free time para sa paboritong hobby. Maging praktikal sa gaga­wing approach tungkol sa lovelife. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mararamdamam mo ang isang malakas na koneksyon sa iyong tunay na pagkatao. Magtiwala sa intuition. Habang pinapakiramdaman mo ang iyong sarili ay nawawala ang iyong mga pagdududa. Kailagang magkaroon ng balance sa iyong magulong pag-iisip at iyong mga paa. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming saloobin ang kailangang nang mailabas. Hindi magkakaroon ng peace of mind hangga’t hindi nalulutas ang mga gumugulo sa isip. Maging creative sa gagawing solusyon. Maging patas sa mga kasamahan sa trabaho. Lucky color: Pink, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging maganda ang buong araw. Kahit may tension mas makakatulong ito para mapabilis ang iyong ginagawa. Tungkol sa love and romance, kumalma ka lang. May isang tao na pumipigil sa iyong mga plano. Mag-ingat dito. Lucky color: Red, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Alamin ang mga gusto sa buhay. Wala sa iyong control ang mga mangyayari. May importanteng impormasyon na kailangang busisiin. Paganahin ang imahinasyon sa iyong pagsasama. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Makakatanggap ng maraming atensyon sa isang okasyon na pupuntahan. May isyu sa relasyon na kailangang pag-usapan. Kailangang baguhin ang tono sa pasasalita para mas pakinggan ng mga kasamahan. Lucky color: Orange, lucky number: 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tinatamad at walang gana pagkagi­sing. May tension dahil sa magkakaibang opinyon. Timbangin ang tamang katwiran. Kailangan iparam­dam ang damdamin sa taong tunay mong minamahal. Lucky color: Green, lucky number: 48.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Magiging madali ang mga plano kung may sapat na kaalaman. Mag-ingat sa mga ginagawa. Maraming opsyon na nakalatag. Piliin ang tama at karapat-dapat. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Makakaramdam ng nerbyos. Kung anuman ang pinagmumulan nito ay ito ang kailangang resolbahin. Piliting maging kalmado. Ingat sa marahas na reaksyon. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Matindi ang kagustuhang maumpisahan ang isang project. Habang naghihintay ng go signal, magbasa-basa muna. Mas magiging madali ang lahat ng gagawin kung handa na. Lucky color: Green, lucky number: 45.