Abante Tonite Interactive

Horoscope 1/3/2018

422

Precious Lara Quigaman
Kaarawan: Enero 3, 1983

Kilala sa taglay nilang sarcastic persona­lity at kawalan ng sense of humor pero kapag nakuha mo ang kanilang kiliti ay mabibighani ka sa sarap nilang tumawa. Tago ang pagiging weirdo subalit ang mapapansin sa kanila ay ang masidhing interes sa sining at musika.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging bahagi ka ng solusyon sa isang problema. Mahirap makalimutan ang nangyari pero ito ang dapat mong gawin. Tignan ang paligid dahil may isang tao na palaging nakaalalay sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Marami ang nagmamahal at nagmamalasakit. Kung bubuksan ang mga mata ay makikilala mo ang mga tao na dapat pasalamatan. Makikita mo ring mas malaki ang taglay mong impluwensya kaysa inaakala mo. Itu­loy ang magandang naumpisahan. Lucky color: ­Orange, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Lahat ng malalaki ay nagsisimula sa maliit. Isipin mo ang mga puwedeng maitulong mo. Huwag tumingin sa panlabas na anyo. Nasa kalinisan ang puso ang hanapin mong katangian. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)- Makabu­buting dumistansya sa isang tao na masyadong masalita. Hindi mo kailangan ngayon ang anumang isipin dahil mas dapat sa iyo ang mag-relax. Palabasin na lamang sa kabilang tenga ang hindi magandang narinig. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang ibahin ang topic kung asiwa sa pinag-uusapan. Mabubunyag ang isang lumang isyu. Maraming blessing na dapat ipagpasalamat. Lucky color: Violet, lucky number: 56.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaila­ngan mong maging seryoso. Maghanap ng kasiyahan sa bawat nangyayari. Makisama sa mga dating kaibigan. Mas kailangan mo ngayon ang kanilang suporta. Lucky color: White, lucky number: 29.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang pangyayari ang magpapalaya sa iyo sa matagal na dinaramdam. Manatiling naka-focus sa bagay na importante. May mga manggugulo pero pilitin itong paglabanan. Lucky color: Gold, lucky number: 48.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May malakas na kutob at hindi mapakali. Walang masamang isaalang-alang ang sariling desisyon. Kung anuman ang maging resulta nito ay saka na lang harapin. Tingnan mo ang nangyayari sa iyong likuran. Lucky color: White, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May kailangan kang patunayan hindi lamang sa lahat kundi sa sarili mo. Huwag agad mawalan ng pag-asa. Malayo ang tagumpay sa mga taong mabilis sumuko. Lucky color: Yellow, lucky number:8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi masamang balikan ang isang dating desisyon. Kung ito ang tamang gawin ay ito ang ituloy. May mga pangako na sadyang mahirap tuparin. Maging totoo ka lang sa iyong mga salita. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may gusto kang sabihin ay gawin na ito ngayon. Kung nag-aalangan, magpatulong sa isang kaibigan. Gawin ito sa diplomatikong paraan at iwasang pairalin ang sobrang emosyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maging considerate sa ibang mga kasamahan. Kundi man sila pabor sa iyong mga sinasabi ay huwag itong personalin. Hindi lahat ng gusto ay puwedeng makuha sa isang iglap. Dagdagan ang pagtitiyaga. Lucky color: Gray, lucky number: 19.