Abante Tonite Interactive

Horoscope 1/8/2018

403

Keempee de Leon
Kaarawan:
Enero 8, 1973

Mahilig sa regalo ang mga lalaking Capricorn. Gusto rin nila na lagi silang sinosopresa ng kaibigan o pamilya. Marahil dito nila nakukuha ang simpleng tuwa na naging mailap sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa pagsisimula ng iyong araw, may malaking sopresa ang mga tao sa iyong paligid. Kausapin ang koneksyon sa loob ng pamilya para sa impormasyon. Makukuha ang buong istorya at sa pamamagitan nito malalaman kung alin ang totoo sa hindi. Lucky color: Blue, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Lalong lalalim ang relasyon. Magiging safe ang pakiramdam sa taong malapit sa puso. Masaya sa nararamdaman kaya maganda rin ang lumalabas na iyong awra. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Gamitin ang araw na ito para suklian ang pagmamahal na natatanggap. Huwag nang ipagpabukas ang pag-uusap. Kailangang tapusin ngayon ang tampuhan para manumbalik ang magandang samahan. Lucky color: Peach, lucky number: 9

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Buksan ang komunikasyon sa mga kaibigan at pamilya. Magiging maayos ang takbo ng samahan na magdadala ng saya sa iyong puso. Lucky color: Red, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ilagay ang sarili sa tamang lugar. Huwag ipilit ang sariling kagustuhan. Matutong magpakumbaba para walang gulo. Mas mabuting makipag-usap na lang ulit sa ibang araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 52.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May biglang mensahe. May isang kaibigan ang magtatapat ng damdamin. Ngayon mararamdaman ang matinding emosyon. Magsalita kung may nais sabihin. Makikilala ang mga tunay na kaibigan. Lucky color: Orange, lucky number: 43.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pairalin ang tamang katwiran. Tama ang iyong hinala. Kailangan mo ng bagong hobby para malibang. Huwag pansinin ang mga pasaring na hindi totoo. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May malakas na atraksyon. Dalawin ang minamahal ngayong gabi. Maraming dapat pag-usapan ng personal. Lucky color; White, lucky number: 50.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa romantic mood. Maglaan ng oras para sa planong date ngayong gabi. Piliin ang espesyal na lugar para sa gagawing sopresa. Lucky color: Gold, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May kailangang baguhin sa iyong sarili. Kailangang matutong makipagkonek sa mas maraming tao. May bagong kaibigan na didiskarte sa iyo. Ihanda ang totoong kasagutan. Lucky color: Violet, lucky number: 22.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Feeling sexy sa araw na ito. Kumportable sa sarili kaya malakas ang kumpiyansa. Gamitin ang malakas na energy sa ibang makabuluhang gawain na maaaring makadagdag sa iyong kinikita. Lucky color: White, lucky number: 33.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Makakaramdam ng matinding takot. Maraming gumugulo sa isip na nagbibigay sa iyo ng hindi magandang panaginip. Mas mabuting kumonsulta na sa isang manggagamot. Lucky color: Green, lucky number: 45.