Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/08/2019

0 295

Bruno Mars
Kaarawan: Oktubre 8, 1985

Mahirap silang gumawa ng desisyon kapag nasa kanilang harapan na ang isyu at kailangan nang pumili. May kaunting insecurity sa buhay kaya hindi sila ang tipo na magsasalita at manguguna. Pero isang bahay na nakakaha­nga sa kanila ang pagiging madiplomasya, malumanay at may mahabang pasensya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Dagdagan pa ang effort sa pakikipag-usap sa mga tao. Kailangan mong ma-overcome ang pagiging mahiyain. May malaki silang maitutulong para mabigyan mo ng solusyon ang ilang personal na isyu sa iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky numer: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gaano man kalaki ang nakikita mong problema, pokus lamang kung paano ito masosolusyunan. Pakinggan din ang sinasabi ng iyong kutob sa bawat pagdedesisyon at hindi ka mamamali. Lucky color: Black, lucky number: 8

GEMINI (Mayo 21-Hun­yo 20) – Mas energetic ka ngayon kaysa karaniwan. May ekstrang siglang hatid ang isang bagong kakilala. Kung wala ka pang commitment, posibleng mauwi ang pagkakaibigan sa mas malalim na koneksyon. Lucky color: White, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hul­yo 22) – Lahat ay posible para sa iyo ngayon. Itodo na ang iyong effort at itaas pa ang target mo. Hindi puwedeng makuntento sa dumara­ting lang. Gamitin ang diskarte para madagdagan ang kita. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang mga hinahanap mong kasagutan ay wala sa ibang tao kundi nasa iyong sarili mismo. Pakinggan ang bulong ng puso at hindi ka magkakamali. Minsan ay kailangan lang makapag-isip sa iyong pag-iisa para walang gumugulo sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 26.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Sundin ang iyong kutob sa araw na ito. Ilang tao ang hindi pabor sa gusto mong gawin pero kung ito ang nararamdaman mong tama, ikaw ang dapat ma­naig. ‘Wag matakot sa sasabihin ng iba. Mas mahalaga kung ano ang gusto at nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 8.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung ikaw mismo ang magdududa sa iyong kakayahan, lalong hindi ka pagtitiwalaan ng iba. Panatilihin ang self-confidence. May hatid na sorpresa ang linggong ito. Gawin ang natenggang gawaing bahay. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pinapaboran ka ngayong araw na ito. Pagkakataon mo na para tahakin ang landas na hindi mo nagawang daanan noong nagdaang taon. Ngayon ay nabubuksan na ang mga oportunidad para gawin ang gusto mo. Lucky color: Silver, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Dagdagan ang effort at pagpopokus sa anumang hinahanap. ‘Wag munang patangay sa anumang distraksyong hatid ng ilang nagsasayang kaibigan. Lahat ay kaya mong gawin. Lucky color: Pink, lucky number 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Limita­han muna ang iyong sarili sa mga maliliit na goals. Unti-unti ay makakamit mo ang lahat ng nailatag mong plano. May ilang aberya sa iyong landas pero sandali lang ito at lilipas. Lucky color: Violet, Lucky number: 15.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ikaw na mismo ang humamon sa iyong kakayahan. Sikaping abutin ang mas mataas na pangarap at huwag makuntento sa maliliit lamang na tagumpay. Mas malaki ang iyong kakayahan kaya ‘wag maliitin ang sarili. Lucky color: Violet, lucky numnbr: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Samantalahin ang pagkakataong mabubuksan sa aspeto ng iyong career. Mas malamang ang tagumpay kaysa kabiguan. Gamitin ang mga natutu­nang leksyon sa nakaraan. Lucky color: Gold, lucky number: 30.