Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 10/14/18

125

Robert ‘Dodot’ Jaworski Jr.
Oktubre 14, 1971
Ayaw nila sa argumento at bihira lang silang magreklamo. Hindi sila mahirap i-please pero sa kabilang banda, hindi sila nagsasabi ng totoo nilang saloo­bin. Mahirap silang makumbinsi lalo na kapag buo na ang kanilang desisyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mag-ingat sa kaibigan na may malaking inggit sa iyo. Hindi lahat ng kanyang sinasabi ay dapat paniwalaan. Talasan ang pakiramdam para matukoy kung sino sa paligid ang may masamang balak. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May impluwensiya sa gagawing desisyon ang isang malapit na kamag-anak. Wala itong masamang hangad kundi ang matulungan ka. May mangyayari na malaking pagbabago sa iyong buhay dahil sa taong ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag mahiya na ipakita ang kahinaan. Normal lang na umiyak kapag nasasaktan. Mas magiging matatag kung sapat ang hawak mong kaalaman. Piliting matapos ang pag-aaral sa sariling pagsisikap. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag ipaubaya ang mga nangyayari sa kapalaran. Kumilos at mag-isip. Kailangan pa rin ang preparasyon at pagpaplano. Ma­ging bukas sa mga opinyon at suhestiyon ng iba. Makakatisod ng magandang ideya sa mga kasamahan. Lucky color: Green, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag patulan ang anumang paghahamon. Ma­ging kalmado kahit na napapaligiran ng pressure. Ipakita na kaya mong magtrabaho kahit na maraming obstruction. Sa pamamagitan nito ay maipapamalas ang pagiging focus sa ginagawa. Lucky color: Blue, lucky number: 32.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mong maging mas organisado lalo na sa mga gamit. Isang kaibigan ang magtuturo ng mga dapat na gawin sa isang alanganing sitwasyon. Mag-stick sa napi­ling desisyon. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pigilan ang sarili sa paggastos. Huwag magsayang ng pera sa mga bagay na hindi naman kailangan. Maraming adventure ang naghihintay sa mga susunod na araw. Ihanda ang katawan sa mahabang biyahe. Lucky color: Gray, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang dating kakilala ang lalapit sa iyo. Mag-ingat sa taong ito. Manatiling alerto lalo na sa mga lugar na maraming tao. Ingatan ang hawak na gamit para hindi masilisihan. Lucky color: Gray, lucky ­number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-­Disyembre 21) – Halos sigurado na ang tagumpay. Iwasan lamang masobrahan sa kumpiyansa. Bantayan ang kilos dahil mahirap nang mapasubo. Busisiin ang bawat detalye ng ginagawa para maiwasan ang aberya. Lucky color: Red, lucky ­number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kontrolin ang paggastos lalo na sa mga bagay na hindi mo naman tunay na kailangan. Ang lahat ng kabutihan mo ay masusuklian sa mga susunod na araw. ­Huwag mainip dahil malapit na ang mala­king suwerte mo. Lucky color: Brown, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas tataas ang iyong self-confidence nga­yong inaani mo na ang iyong mga pinaghirapan. Maganda rin ang oportunidad na naghihintay sa aspetong pinansyal. Magpasalamat sa maraming blessings. Lucky color: White, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ­Huwag magpadikta sa ibang tao. Magkaroon ng sariling paninindigan. Mag-ingat sa paglalakad. May magandang balita pag-uwi mo ng bahay. Lucky color: Blue, lucky number: 11.