Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 10/17/18

172
HOROSCOPE
Related Posts
Bea Alonzo
Kaarawan:
Oktubre 17, 1987
Tapat at laging nasa katwiran. Hindi nagpapatinag sa pressure basta’t alam niya na nasa tama at totoo. Mapagkakatiwalaan at tunay na maaasahan.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag ipaubaya ang mga nangyayari sa kapalaran. Kailangan mo pa ring magplano at kumilos. Buksan ang komunikasyon para sa ikatatagumpay ng mga plano. Lucky color: Yellow, lucky number: 49.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag magpadikta sa ibang tao. Lalabas ang ­galing at husay sa iyong ginagawa. Maging natural sa ­kilos at salita. Hindi mo kailangang magpa-­impress dahil ikaw ang hahabulin ng mga trabaho. Lucky color: Orange, lucky number: 49.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag pumatol sa isang tao sa paligid mo na tila ­naghahamon sa iyong kakayahan. Gayunpaman, makabubuti na mag-focus na lang sa work. Tama lang ang gagawing hakbang basta’t walang matatapakan.  Lucky color: Maroon, lucky number: 10.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kaila­ngan mong maging mas organisado sa mga gamit. Isang kaibigan ang makakatulong sa iyong pasanin. Huwag tanggihan ang magandang alok. Ituwid agad ang pagkakamali para hindi mapagalitan. Lucky color: Violet, lucky number: 22.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magtipid para hindi kapusin. Iwasan muna ang paglabas-labas para hindi matukso. Maraming adventure ang naghihintay sa mga susunod na araw. Lucky color: Gray, lucky number: 11.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag basta maniwala sa mga naririnig. May isang tao na makakagawa ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Tumingin sa mga mata ng kausap para malaman kung nagsasabi ito ng ­totoo. Lucky color: Gray, lucky number: 11.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mag-ingat sa isang nagpapanggap na kaibigan. Hindi lahat ng kanyang sinasabi ay dapat ­ituring na katotohanan. Ingatan din ang mga sikreto. Mahirap nang mapagbintangan ng mga bagay na walang katotohanan. Gamitin ang iyong best judgment sa lahat ng pagkakataon. Lucky color: Pink, lucky number: 33.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging masigasig sa trabaho. May ­magandang direksyon na tinatahak kaya’t magtuloy-tuloy lang sa ginagawa. Manatiling alerto lalo na sa mga lugar na maraming tao. ­Doblehin ang pag-iingat. Lucky color: Red, lucky number: 7.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kailangan ng sapat na kaalaman para mas madaling makapag-adjust sa bagong trabaho. Samantalahin ang pagkakataon na dumarating. Lucky color: Blue, lucky number: 19.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mataas ang self-confidence sa araw na ito. Maganda rin ang oportunidad na naghihintay sa aspetong pinansyal. Huwag maging pabigla-bigla sa gagawin. Pag-isipan muna ito para walang pagsisihan. Lucky color: Red, lucky number: 14.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang lahat ng kabutihan mo ay masusuklian sa mga susunod na araw.  Maghintay ng tamang oras para isiwalat ang gustong sabihin. ­Matutong makisama para hindi pagkaisahan. Lucky color: Green, lucky number: 22.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ­Si­gurado na ang iyong tagumpay. Walang dapat pagsisihan sa mga ginawa. Iwasan lamang masobrahan sa kumpiyansa para hindi ma-disappoint. Maging consistent sa ginagawa at sinasabi. Lucky color: Blue, lucky number: 12.