Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/22/2018

185

Matt Evans

Kaarawan: Oktubre 22, 1986

Madalas na maging taga-awat sa mga komprontasyon. Ayaw niya ng magulo at gagawin ang lahat para makamit ang katahimikan at kapayapaan. Handang makinig kahit sa mahabang pa­liwanag hanggang sa maunawaan niya ang buong istorya. Sa halip na ­magalit, napapanatili ng mga lalaking Libra ang pagiging kalmado at cool.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isipin mo na ikaw ang in-charge dahil ikaw ang lider ng iyong grupo. Umiwas sa mga intriga. Gawing simple ang buhay. Aani ng respeto dahil sa pagi­ging disiplinado sa sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alisin ang anumang pagdududa sa isip. Ikaw na ang ma­nguna sa sitwasyon. Siguraduhin na nakakakain ng pagkain na mayaman sa protina. Isang hakbang na lang at abot mo na ang iyong pangarap. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May ­dapat baguhin sa attitude. Maraming tao ang nakikinig sa bawat sinasabi. Lahat ng tao ay espes­yal, kaya huwag masyadong pabida. Tumulong sa kapwa. Lucky color: Green, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Unti-­unti nang kakalma ang iyong paligid. Oras na para i-relax ang katawan at isip. Maraming ­bagay ang hindi nagawa dahil sa kawalan ng oras. Ngayon ang tamang panahon para simulan ang mga bagong plano sa buhay. Lucky color: ­Orange, lucky number: 20.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mataas ang energy sa araw na ito. Nasa iyong desisyon kung gusto mong sumaya. Huwag hayaang masira ang reputasyon dahil sa pabigla-biglang desis­yon. Ipanatag ang isipan. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nakasentro ang araw na ito sa magiging pag-uusap. Hindi kailangang pagurin ang sarili para makuha ang gusto. Iwasang ma-stress sa maliit na isyu. Alisin ang pag-aalala at takot para maka­hinga nang maluwag. Lucky color: White, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Dagdagan ang sipag sa trabaho. Ilang kasamahan ang may nakatagong inggit sa iyo. Paalalahanan ang sarili na lahat ng tao ay unique at may ­kanya-kanyang galing at talino. Lucky color: ­Violet, lucky number: 18.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Masarap sa pakiramdam kapag natapos nang maayos ang ginagawa. Gamitin ang araw na ito para sa pamilya. Ipaghanda sila ng masarap na pagkain para may mapagsaluhan. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ikonsidera ang pagpapahinga sa araw na ito. Sa kabila ng matinding pressure sa trabaho, piliting matuloy ang matagal nang planong biyahe. Mas kailangan mo ito kaysa sa anumang bagay. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Igalang ang opinyon ng iba. Hindi sa lahat ng oras ay tama at aayunan ang mga sinasabi. Sagutin nang totoo ang isang importanteng tanong. Lucky color: Peach, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Mahahawa sa pagiging negatibo ng mga tao sa paligid. Mag-ingat sa mga kaibigan. Tiyakin ang tamang attitude at tamang pagkilos kahit na sino pa ang kasama mo. Lucky color: Green, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May partikular na hinahanap sa buhay. At kung hindi ka mag-iingat, puwedeng lumagpas ang hini­hintay mong pagkakataon. Magiging malinaw ang pinagtatalunang bagay sa bandang hapon. Ikaw na ang unang humingi ng sorry sa mga hindi magandang nasabi. Lucky color: Brown, lucky number: 29.