Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 10/01/2017

5

ARIES (March 21-April 19) – Iwanan muna ang problema at harapin ang tunay na isyu. Mada­dapa sa isang pagkakamali, piliting makaba­ngon agad. Tuloy ang ikot ng mundo.

TAURUS (April 20-May 20) – Magpahinga muna kung hindi maganda ang pakiramdam. Balikan ang naiwang trabaho para hindi masita. Pakiramdaman ang kirot sa katawan.

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang maki­pagtalo. Tama lamang na magpalamig muna. Isang kapamilya ang magiging kasosyo sa pla­nong negosyo. Susuwertehin sa bagong lugar. Lucky color: green

CANCER (June 21-July 22) –Huwag munang ipagmalaki ang bagay na wala sa kamay. Alisin ang mga lumang gamit sa bahay na may hatid na malas. Isangguni sa ka-partner ang ma­laking desisyon.

LEO (July 23-August 22) – Magdahan-da­han sa pera. Isipin ang posibleng kahinatnan ng gagawin. May mensahe na ipinahihiwatig ang bumabalik na alaala.

VIRGO (August 23-September 22) – Pili­ting matupad ang  matagal nang pangako sa sarili. Lawakan ang pang-unawa sa taong nalilito at naliligaw ng landas. Isauli ang hindi mo pera.

LIBRA (September 23-October 22) – Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili dahil desisyon mo ang lahat. Samantalahin ang suwerte sa career. May isang bagay na darating na magpapamulat sa iyong mga mata.

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas mabuting huwag nang umalis ng bahay. Mag-relax para makapagpahinga kasama ng mga bata. Ibuhos ang araw na ito para lamang sa sarili.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Huwag nang manghinayang sa nawala. Itikom ang bibig sa balita na maghahatid ng malaking eskandalo. Protektahan ang mga kaibigan na walang kinalaman dito.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Intindihin na lamang ang kasama na mainit ang ulo. Walang idudulot na maganda ang puro duda. Sabihin ang gusto at nasa isip para malinawan mo agad ang mga bagay-bagay.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sabihin ang saloobin. May hangganan ang pagbabalatkayo. Huwag matakot dahil ikaw ang tama at nasa katuwiran. Nasa iyo ang suporta ng pamilya at kaibigan. Lucky color: gold.

PISCES (February 19-March 20) – Tanggapin ang pakikipagkasundo ng isang kaaway. Lumagay sa tamang lugar bago magsalita. Isipin ang kapa­kanan at pangalagaan ang magandang pangalan.