Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/03/2017

8

ARIES (March 21-April 19) — Kakaiba ang taglay na karisma. Dadalhin ka nito sa bagong direksyon. Habang tumatagal, mas titindi ang pagkainip at ambisyon. Ngayong Disyembre, may kakaibang mangyayari sa trabaho.

TAURUS (April 20-May 20) — Unahin ang kalusugan para sa mas brighter future. Maging praktikal at realistic. May pagka-complicated ang araw na ito, gawing busy na lang ang sarili para mabawasan ang sobrang pag-iisip.

GEMINI (May 21-June20) — Minsan, hindi nakakatuwa ang big­laang pagbabago. Maraming magagandang ideya subalit mahirap itong tuparin at gawin. Sumali sa mga kumpulan na produktibo. Tigil muna sa pagiging nega.

CANCER (June 21-July 22) — Maraming magagawa. May mga crucial decisions at pagbabagong magaganap. Ibalanse ang oras sa trabaho at pamilya. Magiging abala subalit dahil sa kakaibang energy, hindi mamamalayang lumipas na ang maghapon.

LEO (July 23-August 22) — Huwag itodo ang katawan sa trabaho para hindi ma-burnout. Relax, nasa kamay na ang tagumpay. Walang limitasyon sa pwedeng ma-achieve sa buhay.

VIRGO (August 23- September 22) — Mistulang mahika ang nagaganap sa love life. Magigising sa katotohanan at hindi sa ilusyon. May kaunting problema sa pinansyal pero malulutas din agad.

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) — Lalong pagpapalain kung matututong mag–share ng blessings. Lalong titindi ang emosyon at dito maliliwanagan kung anong bagay ang mas importante sa iyo.

SCORPIO (October 23-November 21) — Walang imposible sa taong determinado. Huminga nang malalim kung feeling ay kinakapos ng hangin. Manunumbalik ang isang nakaraan na nakakakilig. May mapapansin sa tuksuhan.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) — Ibahin ang ayos ng kabahayan. Bilanging mabuti ang hawak na pera para hindi magkamali. Tulungan ang kaibigan na may hinihinging pabor.

CAPRICORN (December 22-January 19) — Good timing para sa gustong pagbabago. Pakikinggan ng pamilya ang iyong problema, suportado ka nila sa anumang desisyon. Pag-ibig ang mananaig sa araw na ito.

AQUARIUS (January 20-February 18) — Maging mabait sa kapwa. May solusyon sa problema kung pag-iisipang mabuti. Kaunting tiis kung walang pahinga at relaxation. Pansamantala lang ang pagod at lungkot.

PISCES (February 19-March 20) — Bawasan ang init ng ulo. Ikaw lang magpapakalma sa sarili. Huwag tignan sa malayo ang mga bagay-bagay. Subukang hawakan at damhin ang malapit at nasa harap para malaman mo na walang dapat problemahin.