Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/21/2017

114

ARIES (March 21-April 19) – Tigilan muna ang kagigimik. Huwag pakialaman ang taong galit para hindi mapasubo. Magpaalam kung gagabihin para hindi mag-alala ang pamilya. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

TAURUS (April 20-May 20) – Magpa­salamat sa blessings na dumarating. Magiging masaya ang kuwentuhan ng bagong bisita. Ayusin ang trabaho para hindi masita ng boss. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 17.

GEMINI (May 21-June 20) – Lumabas at magpahangin. Kalmahin ang sarili sa opisina. May taong lalapit at may sasabihin. Isangguni sa nakatatanda ang problema sa puso. Lucky color:­ White, lucky number: 30.

CANCER (June 21-July 22) – Huwag gawing komplikado ang simpleng isyu. Pahingahin ang isip. Gabayan ang taong naliligaw ng landas. Lucky color: Red, lucky number: 17.

LEO (July 23-August 22) – Gaganahan uli sa pagkain. Ituloy lang ang nasimulang ginagawa na may magandang resulta. Mag-iba ng hairstyle. Lucky color: Green, lucky number: 24.

VIRGO (August 23-September 22) – Iti­gil na ang paulit-ulit na sa­lita. Maiinis sa kausap na makulit. Gawin ang tama para makaalis na situwasyon na hindi pabo­rable sa iyo. Lucky co­lor: Orange, Lucky number: 45.

LIBRA (September 23-October 22) – Mapapaniwala ng isang kasamahan. Maging conscious sa sarili. Sundin ang payo ng pamilya na makabubuti para sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 15.

Related Posts

SCORPIO (October 23-November 21) – Matitigilan sa bagong matutuklasan. Pakinggan ang sinasabi ng isang kapa­milya na may gustong ipahiwatig. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (No­vember 22-December 21) – Ma­ging totoo sa sarili. Nasa tamang edad para tumayo sa sariling mga paa. Mag-excuse kung hindi makakapunta sa imbitasyon. Lucky co­lor: Black, lucky number: 27.

CAPRICORN (December 22-Ja­nuary 19) – Mahirap turuan­ ang pusong nagpupumig­las. May isang bagay na matututunan sa nangyari. Huwag maging isip-bata. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Umamin sa ma­ling desisyon. May itinatagong tampo sa ka-partner, sabihin na ito ngayon. Hindi na maibabalik ang nangyari na. Lucky color: Red, lucky number: 5.

PISCES (Feb­ruary 19-March 20) – Ipag­luto ng masarap ang minamahal. Dagdagan ng lambing para sa isang makulay na gabi.Wala nang mahihiling pa dahil nasa iyo na ang lahat ng suwerte. Lucky color: Blue, lucky number: 12.