Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/23/2017

96

ARIES (March 21-April 19) – May malakas na pressure mula sa grupo na gusto kang isali. Huwag magpapilit kung ayaw mo. Mahirap magkunwari sa bagay na hind­i ka interesado. Lucky color: maroon, lucky number: 16.

TAURUS (April 20-May 20) – Sa sobrang saya ay hindi mo na inalam ang nararamdaman ng ibang kasama. May kakaibang high o lakas sa bagong inspirasyon. Magugula­t sa sorpresang bisita. Lucky color: green, lucky number: 22.

GEMINI (May 21-June20) – Hindi matutuwa sa nangyayari sa paligid bagaman wala itong direktang epekto sa iyo. Kung may tutol, magsalita para malama­n nila ang paliwanag­ mo. Isa ka sa taong pinagkakatiwalaan sa trabaho­, Lucky color: white, lucky number: 30.

CANCER (June 21-July 22) – Pang­hawakan kung ano ang katotohanan. Huwag kumontra sa agos dahil ikaw din ang mahihirapan na makuha ang gusto. Nasa momentum na­, ituloy lang ang tinatahak na direksiyon. Lucky color: orange, lucky number: 27.

LEO (July 23-August 22) – May kakompetensiya bagaman malaki ang lamang mo sa kanya. May nakatagong tension sa pamilya. Ipaglaban ang teritoryo na gustong sakupin ng iba. Kung hindi mo ipapapakita na ikaw ang boss, baka makuha ng iba ang iyong puwesto. Lucky color: gray, lucky number: 7.

VIRGO (August 23- September 22) – Magtatagumpay sa anumang bagay na gustong pasu­kin. Huwag matako­t na ipakita­ ang galing­. Maraming matutuw­a sa magandang salita na mula sa iyo. Itulo­y ang panu­nuyo sa taong napupusuan­. Lucky color: orange, lucky number: 18.

LIBRA (September 23- October 22) – Huwag sirain ang magandang araw. Panindigan ang totoong nangyari nang walang labis at walang kulang. Ngayon mo malalaman kung sino sa mga malapit na kaibigan ang totoo at peke. Lucky color: yellow, lucky number: 42.

Related Posts

SCORPIO (October 23-November 21) –Ma­tindi ang emosyong nara­ramdaman. Nasa iyong kontrol ang gagawing aksiyon. Huwag isnabin ang taong matagal nang nagpapapansin. Lucky color: red , lucky number: 50.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Doblehin ang sipag sa work. Kalu­lugdan ng mga kasama ang taglay na kabaitan­. Makakatanggap ng pagkilala o award dahil sa pagiging dedikasiyon at loyalty­. Lucky color­: beige, lucky number: 41.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May malalim na pinag­huhugutan ang emosyon. Lumayo muna kung ito ang gustong gawin. Ikaw lamang ang makakatulon­g sa sarili na makabangon sa pagkakadapa.­ Lucky color: green, lucky number: 20.

AQUARIUS (January 20-February 18) –Ipagluto ang mga kaibigan para sa masayan­g gabi ng kuwentuhan. Magugulat sa kayang gawin ng taong tahimik. Lucky color: maroon, lucky number: 1.

PISCES (February 19-March 20) – Madali na lang kapag ­nalagpasan ang pagsubok­ ngayon­. ­Hindi mapapansin na malapit ka nang ma­tapos sa ­ginagawa. ­Ituring na ­kaibi­ga­n ang taong nakalaban. ­Magugulat sa magagandang sasa­bihin nito tungkol sa iyo. Lucky color: blue, lucky number: 25.