Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/28/2017

96

ARIES (March 21-April 19) –Malulungkot dahil walang makausap. Makakaramdam ng insecurity sa sarili. Tawagan na lang ang pinakamalapit na kaibigan na matutuwa sa iyong pagtawag. Lucky color: green, lucky number: 40.

TAURUS (April 20-May 20) –Iisipin ang responsibilid dahil sa bagong obligasyon sa bahay. May abubuong hindi pagkakaunawaan. Lalong mai-stress sa mga kaibigan na maingay. Balansehin ang trabaho at pamilya. Lucky color: white, lucky number: 20.

GEMINI (May 21-June20) –Madi-dissapoint sa sulat o tawag. Isang tao na ininaasahang dadalaw ang hindi darating. Huwag magpaapekto sa negativity ng ibang kasama. Gawing abala ng sarili at i-enjoy ang buong araw. Lucky color: brown, lucky number: 10.

CANCER (June 21-July 22) – Mag-aalala tungkol sa pinansyal. Made-delay ang inaasahang pera. Pansamantalang lalayo sa kapartner. Mag-relax sa bandang gabi. Lucky color: yellow, lucky number: 31.

LEO (July 23-August 22) –Malalayo sa minamahal dahil sa biglang pangyayari. Malilito sa sitwasyon. Paghihinalaan ang motibo ng isang kaibigan. Huwag munang magdesisyon na may kinalaman sa pera. Lucky color: blue, lucky number: 26.

VIRGO (August 23- September 22) –Matamlay dahil sa hindi maayos na pakiramdam. Maging active sa sports. Mawawala sa concentration dahil sa panggugulo ng kasama. Uminom ng malamig na juice para makalma. Lucky color: red, lucky number: 9.

LIBRA (September 23- October 22) –Magseselos ang kapartner sa isang kaibigan. Dumistansya muna at huwag sumama sa imbitasyon nito para hindi magulo ang pagsasama. May malaking hadlang sa bagong project. Lucky color: gray, lucky number: 3.

Related Posts

SCORPIO (October 23-November 21) –Mag-day off para matapos ang mga nakabitin na gagawin. Makakagalit ang isang kasama pero dapat manatiling focus sa work. Ito ang dapat gawin para matapos nang maayos ang ginagawa. Lucky color: orange, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) –Maiisip ang pamilya na nasa malayong lugar. Feeling nostalgic at para kang maiiyak. Paglabanan ang lungkot. Pansinin ang minamahal na nasa malapit lang. Lucky color: brown, lucky number: 22.

CAPRICORN (December 22-January 19) –Good timing para sa planong investment. Wala sa iyong kontrol ang pagkawala ng isang bagay na importante sa iyo. Pagdududahan ka ng iba dahil sa nagamit na pera. Lucky color: violet, lucky number: 9.

AQUARIUS (January 20-February 18) –Kayang- kayang mong dalhin ang problema. May isang bagay na dapat tiyakin sa pag-alis, at ito ay ang wallet mo. Gawing light ang usapan ng kaibigan na minsan nang nakabanggaan. Lucky color: violet, lucky number: 18.

PISCES (February 19-March 20) – Magpahinga kahit sandali. Tatamlay ang pakiramdam dahil sa sipon o sore throat. Kumain ng madami para hindi matuloy sa sakit. And take some vitamin C! Lucky color: peach, lucky number: 24.