Abante Tonite Interactive

Horoscope 10/29/2017

77

ARIES (March 21-April 19) – Chill muna kasama ng mga kaibigan. Mapag-uusapan ang tungkol sa future. Bagaman malayo pa sa isip mo, unti-­unting mamumulat sa mga bagay na gustong makamit sa buhay. Lucky color: maroon, lucky number: 28.

TAURUS (April 20-May 20) – Pagdududahan sa tunay na intensyon. Ngayong nasa­bi mo na ang saloobin, mas mabuting­ manahimik at hintayin ang mga reaksyon. Huwag mag-alala sa relasyon na lalong titibay sa paglipas ng panahon. Lucky color: gray, lucky number: 10.

GEMINI (May 21-June20) – Ipit ka na sa gulo. Kahit hindi ikaw ang sentro ng isyu parang nasa iyo ang atensyon ng lahat. Humingi ng payong ispirit­wal na mas kailangan­ mo nga­yon­­. Lucky color: yellow, lucky number: 33.

CANCER (June 21-July 22) – Malulungkot dahil mapapalayo sa mahal sa buhay at mga kaibigan. Itigil muna ang kuwento tungkol sa sarili, sa halip pakinggan ang sinasabi ng iba. Gumawa ng mabuti sa kapwa. Lucky color: orange, lucky number: 42.

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo ngayo­n ang suporta ng malalapit na kaibigan. Hindi mo dapat sabihin ang lahat-lahat. Mag-iwan ng kaunting sikreto sa buhay. Kung duda sa isang kasama, mas mabuting lumayo muna. Lucky color: blue, lucky number: 30.

VIRGO (August 23- September 22) – I-verify muna ang nakuhang impormasyon. Huwag magpaloko.Tama ang katwiran mo, mas dapat unahin ang sarili bago ang ibang tao. Lucky color: green, lucky number: 45.

LIBRA (September 23- October 22) – Hind­i madaling bumalik sa normal ang lahat pagkatapos ng nangyari. Gayunman, maraming kasama­ ang nananatiling bilib kays­a galit. Mag-smile na lang sa harap nilang lahat. Lucky color: white, lucky numner: 20.

Related Posts

SCORPIO (October 23-November 21) –Lalayuan dahil sa hindi magandang attitude. Huwag pabayaang masira ang magandang simula dahil lang sa pera at kapangyarihan. Lumingon sa pinanggalingan. Lucky color: beige, lucky number:25.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi kailangan­g kausapin lahat nang makakasalubong. May mga bagay na hindi mo hawak. Hayaan itong mangyari at kapulutan ng aral. Lucky color: brown, lucky numer: 13.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gusto mong kumawala sa grupo. Hindi ka mapipili­t sa bagay na ayaw mo. I-budget mabuti ang pera bago mo magamit ito sa ibang bagay. Lucky color: gray, lucky number: 49.

AQUARIUS (Januar­y 20-February 18) – Paiba-iba ng mood sa araw na ito. Magiging kumplikado ang buhay, pero naririyan pa din ang mga kaibigan na nagmamahal sa iyo. Huwag isantabi ang sakit na iniinda. Lucky color: pink, lucky number: 40.

PISCES (February 19-March 20) – Lilitaw ang inner beauty. Gustong sundan ang yapak ng taong iniidolo. Gayunman, ingat lang sa pananamantala ng mga taong sarili lang ang iniisip. Lucky color: red, lucky number: 39.