Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/05/2019

198

Enchong Dee

Kaarawan:
Nobyembre 5, 1988

Attracted ka ba sa mga la­laking Scorpio? Sa lahat ng 12 Zodiac signs, ang Scorpio ang pinaka-intense. Marami ang curious sa kanilang pagkatao dahil sa kakaiba nilang mga katangian. Hindi sila karaniwan, dahil kahit ayaw nila, sila mismo ang nilalapitan ng maraming mga tao.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – La­labas ang pagiging creative. Hindi mo ito sinasadya pero makikita ng ibang kasama. Hindi rin masamang magplano na para sa magiging engrandeng bakasyon ng taon. Lucky color: Green, lucky number: 18.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kailangang itigil na ang pakikipagtalo sa mga kaibigan. Hindi ka na bata para makipag-away. Awat na bago pa lalong lumaki ang gulo. Kontrolin ang iyong emosyon. Kung mas­yado nang nagiging matabil ang iyong dila, kailangan mo munang magpreno. Lucky color: Red, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May mga bagay ka pang hindi natatapos pero isantabi muna ang mga ito. Magpokus sa isang bagong panimula. Kailangan mo ng positive vibes. May hindi magandang epek­to sa kalusugan kung puro galit ang laman ng kalooban. Lucky color: Gray, lucky number: 39.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Anumang sitwasyon ang kaharapin, pakaiwasan na magalit o mapikon. Maraming dapat pagkaabalahan at hindi kasama rito ang mga negatibong emosyon. Lumabas at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malaki ang tsansa na makuha mo ang mga gusto mo sa araw na ito. May mga taong hindi pabor na maging masaya ka pero wala silang magagawa. Lumingon sa paligid para makita ang isang tao na la­gging nakamasid. Lucky color: O­range, lucky number: 14.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi masamang pumasok sa kompromiso basta’t kaya mong gawin at tuparin. Sumama sa mga taong positibo para mabago ang iyong awra. Piliin kung anuman ang mas makakabuti sa iyo at hindi ka magkakamali ng direksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pinapaboran ang lahat ng iyong pagsisimula. Kalimutan na ang hindi magandang karanasan. Sa pamamagitan ng suporta ng mga taong nagmamalasakit sa iyo, ang lahat ay magagawa mo. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang dahilan para malungkot dahil papaganda pa ang takbo ng buhay. Hindi mo kailangang maawa sa sarili sa halip ay magpokus sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 27.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung isang tao sa paligid mo ang gumagawa ng hindi maganda para sa iyo, ‘wag kang manahimik lalo na kung apektado ka. Hindi ka dapat magkunwaring masaya sa ginagawa niya. Kailangan mong maging mas assertive at iparamdam mong hindi ka niya puwedeng apihin. Lucky color: Blue, lucky number: 49.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong mag-isip ng ibang paraan kung hindi man umub­ra ang unang balak. Lahat ay may opinyon pero kailangang matiyak mong naririnig din ang iyong ideya. May taong humaharang sa mga intensyon mo kaya kailangan mong maging mas mapilit. Lucky color: Violet, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Maganda ang agenda para sa usaping pampa­milya. Hindi na uubrang manatiling kapos sa budget kung may magagawa ka naman para mag-improve ang iyong sitwasyon. Mag-isip ng ibang opsyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Anuman ang posisyon mo, mas lalo pang magiging matatag o maaaring gumanda pa sa mga araw na darating. Ang mga pagbabagong papasok ay papabor sa iyong kalusugan. Hindi masamang magbago ng isip kung alam mo na ito ang tama. Lucky color: Gold, lucky number: 33.