Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/08/2019

204

Lauren Young
Kaarawan:
Nobyembre 8, 1993

Medyo aloof at tahimik ang mga babaeng Scorpio. Kapag may nagugustuhan sila, dinadaan lang nila sa malalagkit na tingin na sapat para ma-attract at lumapit ito sa kanila. Kapag may ginusto sila, ­lahat ay gagawin nila para makuha ito.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May pagkakataong sarili mismo ang iyong kalaban. Masyado kang maraming takot na walang dahilan. Magtiwala sa iyong abilidad tulad ng pagtitiwalang ibinibigay sa iyo ng iba. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Ngayon mo nare-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon ay aspetong pinansyal ang dapat pagtuunan ng pansin. Mara­ming magagandang pangyayari lalo na sa iyong lovelife. Lucky color: Gray, lucky number: 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May makukuha kang impormasyon na magagamit para matigil na ang pag-aalala. Iwasan lamang na maging personal ang iyong approach. Hindi makatutulong ang paghihiganti. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang pume-pressure sa iyo kaya bakit mo pine-pressure ang sarili mo? Bigyan din ng panahon ang iyong partner na ilang panahon mo na nang nakakaligtaan. Maging extra sweet sa kanya para makabawi sa pagkukulang. Lucky color: Gold, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakakaramdam ka ng pagdududa sa iyong kakayahan. ‘Wag mangamba sa mga susunod na araw, may pangyayaring magbubukas ng iyong mata para ma-realized mo na hindi mo dapat maliitin ang iyong sarili. Masuwerte ka dahil mara­ming nagmamahal sa iyo. Lucky color; Blue, lucky number 8.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung ina­akala ng iba na hindi ka responsable, patunayan mo na mali sila. Nakasalalay ang iyong reputas­yon at makakaapekto ito sa pagtrato sa iyo ng ibang tao. Lucky color: White, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Anuman ang pinagplanuhan mo sa mga nagdaang araw ay magpapakita na ng positibong resulta. Mapapatunayan mo rin sa iba na tunay kang mapagkakatiwalaan. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maging alerto ngayon. Isang mahigpit na karibal­ ang naghahanap ng butas para sirain ang iyong diskarte sa trabaho. Mangyayari lamang ito kung tutulog-tulog ka kaya alerto ka lang. Lucky ­color: Blue, lucky number: 17.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ma­ging kalmado at ‘wag pagsabay-sabayin ang lahat ng gawain. Kailangan mo ng magandang timing. Mas malamang ang pagkakamali kung parati kang nagmamadali. Lucky color: Yellow, lucky number: 63.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung mas­yado kang magpapaimportante, marami ang puwedeng mawala sa iyo. Ang dumarating na oportunidad ay hindi habang panahong makakapaghintay. Kumilos na habang maaga pa. Lucky color: Brown, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Habang nakapokus sa paghahanap ng mali ang iyong mga kritiko lalo ka namang natsa-challenge. Mas lumalabas din ang iyong galing kung pressured ka. Ayusin ang mga gamit sa bahay na matagal nang nakakalat. Lucky color: ­Violet, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ilang indibidwal ang magpaparamdam ng kanilang presensya sa buhay mo at magtatangkang diktahan ka. Mangyayari lamang ito kung papayagan mo sila. Ipaglaban ang iyong karapatan basta’t alam mo na nasa tama kang katwiran. Lucky color: Violet, lucky number: 20.