Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/09/2019

178

Janice de Belen
Kaarawan: Nobyembre 9, 1968

Buhos na buhos ang emosyon sa bawat relasyon. Hindi niya ka­yang magtago ng damdamin. Minsan mahirap silang maunawaan dahil sa mas gusto nilang ipadama ang kanilang nararamdaman kaysa magsalita. Mas gusto niyang maramdaman kaysa marinig.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21) – Iwasan ang pagkukumpara. May kanya-kanyang katangian ang bawat isa. Tanggapin ang dumarating sa iyo para gumaang ang kalooban. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Paiiralin mo ngayon ang pagiging creative. Kailangan mo ito sa iyong bagong career. Ikatutuwa ito ng iyong mga kagrupo. Hindi ikaw ang magwawagi sa laban. Sad­yang bubot ka pa sa maraming aspeto ng buhay. Lucky color: Black, lucky number: 39.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang ginawa mong pagtatanggol sa isang kamag-anak ay lilikha ng pani­bagong gulo sa inyong pamilya. Mas mabuting ‘wag ka nalang muna kumibo. Ang pananahimik mo ang magpapababa ng tensyon sa iyong paligid. Lucky co­lor: Red, lucky number: 65.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag kang sumabak sa isang bagay na hindi ka sigurado. Dala lamang ng inggit at impluwensya ng mga kaibigan ang iyong pagnanais. Kung ipagpapatuloy mo ito ay hindi ka rin magiging masaya. May opsyon ka para makuha ang iyong gusto. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo masisisi ang isang tao na makaramdam ng sama ng loob sa’yo. May mali kang nagawa na hindi mo maamin sa sarili mo. Kailangan mo itong tanggapin. Walang perpekto kaya aminin ang pagkakamali. Lucky color: Gold, lucky number: 18.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang tao ang may sobrang paghanga sa iyo. Pero wala siyang balak na sabihin sa’yo dahil alam niya na pag-aari ka na ng iba. Mararamdaman ang pag-iwas ng taong ito. Ikaw mismo ang makakapansin at makaka­kilala sa kanya. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging mapalad ka nga­yon sa paghawak sa bagong negosyo. Maaliwalas ang panahon at aayunan ka ng tadhana. Huwag mong bibitawan ang su­werte na ito. Mahirap nang masayang pa ang magandang pagkakataon. Lucky color: Pink, lucky number :19

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa kabila ng nararamdaman mong tagumpay ay manatiling humble. Masuwerte ka dahil tambak ang trabaho mo nga­yon, habang ang iba ay problemado kung paano magkakaroon nito kahit konti lang ang kita. Lucky color: Green, lucky number: 56.

CANCER (Hunyo 21-Hul­yo 22) – Kailangan mong pagbigyan ang kahilingan ng iyong partner. Alam mo ang kahihinatnan mo kung hindi mo siya pagbibigyan. Pairalin ang give and take sa relasyon para walang gulo. Lucky color: Blue, lucky number: 44

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mararamdaman mo ang panlalamig ng iyong mahal sa hindi malamang dahilan. Marami kang tanong na gusto mong malaman ang sagot mula sa kanya pero mananatili kang tahimik at ganoon din siya kaya hindi masosolusyunan ang problema. Lucky color: White, lucky number: 23.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Isang dating kaibigan ang muling magpaparamdam sa’yo ngayon para kumbinsihin kang sumapi sa kanilang relihiyon at makiisa sa kanilang mga aktibidad. Magdadalawang isip ka pero sa huli ay tatanggihan mo ito. Lucky color: Purple, lucky number: 17.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas gugustuhin mo pa ang maging manhid ngayon kaysa maramdaman ang sakit na dulot ng nabigong pag-ibig. Pero hindi mo ito kailangang maramdaman kung matututunan mo lang tanggapin ito nang mas maaga. ‘Wag sayangin ang oras sa pag-iyak. Lucky color: Orange, lucky number: 29.