Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/10/2019

210

Pauleen Luna
Kaarawan: Nobyembre 10, 1988

Ang mga babaeng Scorpio ang pinaka-sexy at misteryosa sa lahat ng zodiac sign. Ma­lakas ang karisma at lapitin ng opposite sex. May kakaiba sa kanilang personalidad kaya naman palagi sila pinalilibutan ng mga lalaki. Malalim din ang kanilang kaalaman sa larangan ng espiritwal at madalas mahirap maunawaan ang kanilang mga opinyon dahil sa malalim na kahulugan nito.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming puwedeng mangyari pero makukuha mo lang ang gusto mo kung hindi mo pakakawalan. Tingnang mabuti ang mahahalagang gamit. May puwedeng sumalisi sa oras sa abala ka sa ibang bagay. Lucky color: Brown, lucky number:

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Ginagabayan ka nga­yon ng suwerte. May mga transaksyong may kinalaman sa negosyo at pananalapi ang maisasara. Kaya kung namroblema ka sa pera sa mga nagdaang araw, ngayon ay malulutas ang lahat ng iyong mga isipin. Lucky color: Green, lucky number: 56.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May malaking event na magagannap. Magdudulot ito ng malaking pagbabago sa iyong buhay. ‘Wag mangamba, puro positibo ang magaganap sa araw na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 44.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maraming pagkakaiba ng opinyon lalo na sa loob ng bahay. Pero iwasang patulan ang lahat ng naririnig. Ikonsidera ang magandang samahan na mahirap mahanap sa ngayon. Ayusin agad ang kaunting tampuhan. Lucky color: Beige, lucky number:1.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may ini-expect sa’yo ang isang tao, gawin mo kung ano lang ang makakaya mo. Hindi mo kailangang ibigay ang lahat. Mag-iwan ng kaunti para sarili. Mahirap maubusan ng pera sa mga panahong ito. Lucky color: Black, lucky number: 50.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gamitin ang araw na ito para pag-isipan kung tama ang naging desisyon. May oras para bahugin ito kung alam mo para ito sa kabutihan ng lahat. May nakaraang plano na hindi na uubra sa ngayon. Lucky color: Maroon, lucky number: 13.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ka mahilig sa pagbabago pero alam mo kung kailan ito dapat gawin. Ma­ging bukas ang kaisipan na digital era na nga­yon. Maraming ideya na hindi na puwede sa ngayon. Maging open sa anumang kasunduan. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi ka malalagpasan ng oportunidad kung magpopokus ka sa kasalukuyan at ganap na iiwan ang nakaraan. Importanteng araw ito para sa iyong career. Hindi puwedeng tutulog-tulog sa pansitan. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mag-i-improve ang iyong pananaw lalo na sa iyong personal na buhay. Dagdag na kumpiyansa ang ibibigay sa iyo ng iyong ka-partner kaya’t walang dapat ipag-alala. Lucky color: White, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang opinyon pero sa araw na ito makabubuting sarilinin muna ang lahat ng ito. Kailangan mo ng perfect timin­g para magtagumpay ang iyong mga ideya. Kung hindi kokontrolin ang mga pagsasalita, maaaring maapektuhan ang isang pinansyal na transaksyon. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi tamagn isisi sa iba ang pagkakamali. Kontrolin din ang bugso ng emosyon dahil extra sensitive ka ngayon. Maraming pwedeng masirang relasyon dahil sa isang salita mo lang. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan mo ngayon ng tulong ng iyong mga kaibigan. Wala kang kailangang patunayan ngayon sa halip mas dapat kang magsigurado. Mas madali pa rin kung may aalalay sa iyo sa pagdedesisyon. Lucky color: Red, lucky number 20.