Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/11/2019

232

Leonardo DiCaprio

Kaarawan:
Nobyembre 11, 1974

Taglay nila ang pagiging palaban. Hindi umuurong sa laban lalo na kapag alam nila na sila ang nasa katwiran. May sari­ling mundo na mahirap maunawaan dahil sa taglay na kakaibang personalidad.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ituon ang atensyon sa mahala­gang mga bagay. May hangganan ang lahat ng paghihirap kaya’t ‘wag mawalan ng pag-asa. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magpasaklolo sa mga kaibigan. Matuto sa hindi magandang karanasan. Ilaan ang libreng oras para sa pa­milya. Lucky color: Silver, lucky number: 14.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Tignang mabuti ang tao sa pali­gid. Isang okasyon ang magpapabago sa iyong buhay. Oras na para gawin ang mga gustong gawin. Lucky color: O­range, lucky number: 26

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Tulu­ngan ang sariling makalimutan ang masamang nangyari. Makisalamuha sa mga bata na magpapagaang sa pakiramdam. Dagdagan ang pasensya. Lucky color: Violet, lucky number: 31.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lucky day sa love life. Huwag nang magdalawang-isip sa binabalak. Gantihan ng ngiti ang malagkit na titig ng isang tao na palaging nakatingin sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 20.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magugulat sa isang regalo. Isang da­ting insidente ang biglang mauulit. Huwag magsalita nang tapos. Lucky color: Red, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tulungan ang sariling makabangon. Walang ibang maaasa­han kundi ang malalapit na kaanak. Dagdagan ang pasensya sa taong pasaway. Lucky color: Green, lucky number: 4.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag mahiyang magtanong kung naguguluhan. Masuwerte ka sa bagong career. Mapapansin na rin ang taglay na talento. Lucky color: Blue, lucky number:16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Baguhin ang routine kung buryo na sa paulit-ulit. Basahing mabuti ang mga nakasulat sa dokumento. Maging na­tural sa pagkilos. Lucky co­lor: Brown, lucky number:41.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag sagarin ang lakas. Kailangan mo ng re­serba para sa maraming gawain. Magigising sa isang pamilyar na boses. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Tumulong sa kaibigan na lu­malapit sa iyo. Isang admi­rer ang magtatapat ng damdamin. Sagutin ito nang buong katapatan. Magtiwala sa nararamdaman. Lucky color: Pink, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pansinin ang mga parinig dahil posibleng may katotohanan ito. Ala­min muna ang ugat ng balita bago mag-react. Lucky color: Maroon, lucky number: 41.