Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/12/2019

162

Anne Hathaway

Kaarawan:
Nobyembre 12, 1982

Sigurista lalo na tungkol sa emosyon. Hirap siyang maging open sa nararamdaman dahil sa malalim na hugot. Subalit kapag nakasiguro na siya sa kanyang damdamin, asahan ang kanyang katapatan hanggang sa huli.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Mas matindi ang epek­to ng iyong salita kaya mag-ingat sa mga sa­sabihin. Puwedeng maging komplikado ang isang sitwasyon dahil lamang sa simpleng pagkakamali.Lucky color: Maroon, lucky number: 25.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Lumabas at makipagsaya kasama ang mga kaibigan. Hindi mali na magrelaks lalo na kung ilang araw ka nang nakatutok sa mga seryosong usapin. Mahirap magkasakit dahil sa sob­rang sama ng loob. Mag-chill ka lang. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Walang mawawala kung ikaw mismo ang mag-a-adjust. Habang maaga, kumilos na at huwag tutulog-tulog. Kailangan mong ma­ging maagap para maresolba ang isang isyu bago ito mawala sa iyong kontrol. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang pumipigil sa iyo lalo para gawin ang gusto. Ang importante ay mapanindigan ang gagawin. Marami kang ma-a-accomplish kung lalakasan mo ang iyong loob at mananatiling positibo ang pananaw. Magpokus lamang sa iyong tinatarget. Lucky color: White, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang taong masyadong mapagmasid sa lahat ng iyong ginagawa. Marami rin silang kritisismo pero hindi mo na dapat pang patulan. Umaktong hindi ka apektado hanggang magsawa ang mga ba­sher mo. Lucky color: Green, lucky number: 11.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang mga takot at alalahanin na da­ting nakapigil sa iyo ay mawawala na. Malaya kang gawin ang nais mo. Samantalahin ito para maisulong ang gusto mo para maging masaya sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 45.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Importanteng manindigan sa katotohanan maging sa mga isyung may kinalaman sa iyong kalusugan. Iwasan ding maging sentimental. Gawin ang nararapat para sa iyong kabutihan. Lucky color: Red, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag magpakita ng takot dahil pati mga kasama mo ay magiging uneasy sa iyo. Kung patuloy na manghuhula ang taong minamahal mo ay malabo mong makuha ang hanap mo mula sa kanya. Maging totoo sa sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May mga isyung hindi mo makokontrol at hindi mo na mababago. Kailangan mo na itong matanggap para tuluyang makapag-move on. Lucky color: Brown, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang mag-isip ng mga bagong ideya sa trabaho. Sabihin ito sa iyong boss para sa dagdag na opinyon. Isa ka sa kanyang pinagkakatiwalaan kaya’t asahan ang kanyang pagpanig sa iyo. Lucky co­lor: Red, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mataas ang emosyon nga­yong araw na ito. Mas sensitibo ka kaysa karaniwan at madali ring mapikon. Anuman ang marinig, iwasang magpakita ng anumang reaksyon at huwag ituring na perso­nal ang lahat ng komento. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung nangangarap kang ma­kagawa ng isang espesyal na bagay, ngayon na ang pagkakataon para tumi­gil sa pangangarap at mag-umpisa nang umaksiyon. ‘Wag matakot na lumapit at makipag-usap sa mga tao na alam mong makakatulong sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 19.