Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/13/2019

183

Gerald Butler
Kaarawan: Nobyembre 13, 1969

Mahirap maunawaan ang emosyon ng mga lalaking Scorpio. Madalas na iba ang kanilang sinasabi sa kanilang pinapakita. Madalas din silang mapagkalamang manhid dahil sa kawalan ng emosyon. Pero sa katotohan, sila ang klase ng tao na maaari mong makasama hanggang sa kamatayan .

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magandang araw ito para sa iyo. Pinapaboran din ang iyong pagiging creative at may benepis­yong idudulot ito. I-enjoy ang bagong hobby para bawas sa iyong stress sa buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –May isang taong sagana sa drama ang magpapahirap sa araw mo. Anuman ang kanyang gawin, ‘wag patangay sa iyong emosyon. Ikaw ang matatalo kung hindi ka magiging kalmado. Dedma ka lang sa negativity. Lucky color: Pink, lucky number: 13.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nasa komunikasyon ang susi ng araw na ito. Mahihirapan kang sabihin ang nasa isip sa ilang sitwasyon. Maging assertive pero iwasang ma­ging agresibo. Mahirap nang mapasubo sa bagay na hindi mo gusto Lucky color: Blue, lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi mo malulusutan ang isang sitwasyon kung hindi iingatan ang mga sinasabi at ginagawa. Iwasang makasakit ng iba. May magandang biyaya para sa mga taong matulungin. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung ikaw ang dating nagbibigay, ikaw naman ang bibigyan ngayon. Hindi mo na kailangang sumunod sa mga taong hindi mo pinaniniwalaan. Magkaroon ng sariling paninidigan. Lucky color: Brown, lucky number: 3.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang pina­ngangambahan mong aberya o problema ay hindi naman ganu’n katindi. Binabalot ka lang ng takot ito. ‘Wag pangunahan ang mga pangyayari para hindi na dagdagan sa mga alalahanin. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 21.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapasunod mo ang mga tao sa iyong kagustuhan. Kahit kaibigan ay maaari ring sumuko sa iyong pabago-bagong mood. Kaunting kontrol pa sa bugso ng emosyon. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mapapatunayan mo sa lahat na karapat-dapat ka sa res­ponsibilidad at pagtitiwala na ibinibigay sa iyo ng nakakataas sa iyo ng posisyon. Mapapaboran pa ang aspeto ng iyong career sa mga susunod na araw. Hintayin ang paparating na promosyon.Lucky color: Red, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang katrabaho mo ang may ginagawang hindi maganda sa iyong likuran. Manatiling alerto upang hindi maisahan. Dumistansya kung kinakailangan. ‘Wag katakutan ang pagsosolo dahil marami ka pa ring suporta. Lucky color: Yellow, lucky number: 48.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahirap para sa iyo ang magpatawad. Marami ka ring nararamdamang pagdududa sa isang tao. Nakakapagpahina sa iyo ang sobrang sakit na naramdaman. Labanan ang kalungkutan. Lucky color: Brown, lucky number: 1

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa araw na ito, maging open sa nararamdaman. Hindi mo kailangang manimbang bago sabihin ang iyong gustong sabihin. Maging bukas sa aspeto ng komunikasyon. Lucky color: Silver, lucky number: 44.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi uubra ang mga shortcut lalo na kung ma­ngangahulugan ito na lilihis ka sa katotohanan. Magkakaroon ng negatibong resulta ito sa mga susunod na araw kung hindi ka magiging tapat. Lucky color: White, lucky number: 30.