Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/14/2018

113

Heneral Gregorio del Pilar
Kaarawan:
Nobyembre 14,1875

Kilalang masikap, confident, intense at very competitive ang mga lalaking Scorpio. Mahirap silang kalaban dahil hindi sila basta sumusuko sa anumang kumpetisyon o paligsahan. Mabilis silang magkagusto sa mga babaeng may malakas na personalidad at mga flirtatious o malalandi.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Napapaligiran ka ng maraming tension. Parang walang nakikinig sa iyong sinasabi. Hindi mapipigilan ang magalit. Huwag matakot na ipakita ito sa iba kung kinakailangan ng pagkakataon. Lucky color: Brown, lucky number: 49.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May nakatagong talento na kayang magpagaling ng mga taong nasa krisis. Kung gustong magamit ito at makatulong sa iba, mas mabuting magsanay sa herbal therapy. Lucky color: Pink, lucky number: 37.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hihingan ng payo tungkol sa relasyon. Magdududa sa pagmamahal ng ka-partner na parang may itinatago sa iyo. Kailangang talasan ang pakiramdam para masagot ang maraming katanungan tungkol sa relasyon. Lucky color: Silver, lucky number: 37.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May malakas na energy na mauubos sa buong araw. Huwag alalahanin ang personal life at kung ano ang kahihinatnan nito. Hayaan na lamang na pana­hon ang magsabi kung kailan dapat tapusin ang mga bagay. I-enjoy ang libreng oras. Lucky color: Brown, lucky number: 28.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahihirapang makamit ang mga pangarap dahil sa su­nod-sunod na problema. Mararamdamanan na hindi kuntento sa nangyayari sa buhay. Maraming tanong sa sarili na walang sagot. Huwag pilitin ang sarili sa mga bagay na hindi mo gusto. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang pagiging responsable ang magiging motibasyon ng sarili. Nangyayari ito kapag walang kontrol at walang magawa sa mga bagay na gustong gawin. Sa araw na ito ay mas mabuting hayaan na lang na mangyari ang mga bagay at huwag na itong problemahin. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Itigil muna ang anumang aktibidad. Mari-realize na kailangan ang pagtitiwala para maging produktibo. Ibalik ang lambingan sa pagsasama. Tuparin ang mga responsibilidad. Lucky color:Red, lucky number: 39.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ituloy ang anumang napagkasunduan. Isantabi muna ang mga agam-agam. Huwag pangunahan ang mga bagay na hindi pa nagaganap para hindi ma-stress. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May isang tao ang makakasalungat ng opinyon. Ito ang magiging hadlang sa isang proyekto. Posibleng mauwi sa komprontasyon ang pag-uusap. Manatiling kalmado. Lucky color: Orange, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Walang mangyayari kung puro salita ang gagawin. Ipakita sa taong minamahal na seryoso at handang magbago. Sa pagkakataong ito ay huwag sayangin ang pangalawang chance na ibinigay sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 27.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging produktibo ang buong araw. Bigyan ng atensyon ang group project. Dito magsisimula ang magandang kapalaran. Paghusayan pa ang trabaho na magbibigay sa iyo ang suwerteng inaasam. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mag-relax kahit saglit. Ang pagiging isang malakas at assertive na lider ang magbibigay sa iyo ng magandang oportunidad. Dahil sa malakas na karisma, magiging madali sa iyo ang pangungumbinsi. Maggagamit ang natural na talent na ito sa negosyo. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.