Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/14/2019

172

Charles, Prince of Wales
Kaarawan: Nobyembre 14, 1948

Ingat lang sa ‘kamandag’ ng lalaking Scorpio. Hindi sila ang klase ng la­laki na maloloko o maiisa­han mo. Seryoso sila at minsan ay lalabas ang pagka­pilyo. Mabusisi sa maliliit at hindi importanteng de­talye dahil para sa kanila ay mas mahalaga ito. Da­lawa lang ang nag-e-exist na kulay para sa kanila, itim at puti, walang gitna.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Mas madali sa iyo nga­yon ang makahanap ng solusyon pagdating sa mga usapin sa pananalapi. Magtipid-tipid dahil may kailangan kang pag­laanan sa mga susunod na araw. Lucky color: Pink, lucky number: 49

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May positibong pangyaya­ring magpapasaya sa iyo sa loob ng dalawang araw na darating. Ikaw rin ang magiging sentro ng aksiyon. Kaila­ngan mong maging mas aktibo kaysa karaniwan kaya umiwas muna sa mga distraksyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Maaari kang magduda sa sarili mo at kung nasa tamang direksyon ka. Ang susunod na araw ang magiging batayan at magbibigay sa iyo ng kasagutan. ‘Wag kainipan ang mga nangyayari. Lucky color: Silver: lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ipa­kita sa iba ang kakaya­han mo upang makita ng iba na worth mo. Masyado kang independent kaya inaakala ng ibang tao na umiiwas ka. Paborableng araw ito para sa pakiki­pagkaibigan o maaaring higit pa sa kaibigan. Lucky color: Orange, lucky number: 50

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo man gusto ang mga biglaang pagbabago na nagaganap sa paligid mo, wala kang ibang opsyon kundi makisama muna sa agos. Sa halip na kumontra, tanggapin ito at ibi­gay ang iyong koope­rasyon para walang gulo. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Walang bagay o walang taong makakapigil sa iyo. Nga­yon ang pagkakataon mo para makita ng lahat na marami kang talent. Nga­yon mo rin mapapatuna­yan na karapat-dapat ka sa iyong posisyon. Lucky color: Green, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ka mas­yadong kumbisido na ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon ay para rin sa ikabubuti mo. ‘Wag masyadong kainipan ang mga kaganapan. Mapapatunayan mong wala kang dapat ipangamba. Lucky color: White, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang mararating kung patuloy mong itatago ang iyong emosyon. Mahirap nang mabansagang manhid. Alam mo ang kapasidad mong magmahal. Hirap ka lang talagang i-express ito ngayon dahil sa mara­ming iniisip. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nakakapagod ang mga araw na nagdaan. Maaaring malagay sa peligro ang kalusugan kung hindi magpapahinga. ‘Wag mangamba sa mga pagsubok, hind ito ibibigay sa iyo kung hindi mo kaya. Lucky color: Blue, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ‘Wag magpadala sa takot. Kaya mong gumawa ng paraan kahit sa unang tingin ay hindi pangkaraniwan ang hinahanap mula sa iyo. May parating na tagumpay kung patuloy na magtitiwala sa sarili. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas magiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari. Isang taong malapit sa puso mo ang kaila­ngan mong tulungan bago maging huli ang lahat. May good news na naghihintay sa iyo. Lucky co­lor: Red, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangang igiit mo ang iyong karapatan. May ilang taong tila sumusukat sa iyong kakayahan. Iparamdam sa kanila na na hindi ka maaaring tapa­kan. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.