Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/15/2019

134

Jeffree Star

Kaarawan:
Nobyembre 15, 1985

Para makuha mo ang atensyon ng Scorpio, hindi mo kaila­ngang magsuot ng mga seksing damit. Mas type niya ang ‘sense of mystery’ kaya ‘wag mong ibigay ang lahat-lahat. Ipakita lang na interesado ka sa kanya at handang makipag-usap sa kahit anong paksa o subject. Malaking turn on sa kanya ang partner na simple pero malakas ang dating.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sundin ang ibinubulong ng puso. May pagkaka­taong kailangang ma­naig ang emosyon at ito ang nararapat sa araw na ito. Isantabi muna ang ibang seryosong usapin. Pagaa­ngin ang kuwentuhan para sa isang masayang gabi. Lucky color: Green, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Hayaan mong katotohanan ang iyong maging gabay. Mas lumulutang ang iyong creativity ngayon kaya naman marami pa ang nakaka-appreciate sa iyo. Gamitin ito para maisulong ang mga matagal mo nang plano sa iyong career. Lucky color: Black, lucky number: 6.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Bigyan ng pagkakataon ang sarili na mag-explore. Hindi masamang ikonsidera ang pagsosolo para gawin ang ilang bagay na matagal mo nang hindi maisingit sa sche­dule mo. Mamasyal sa mga lugar na maraming puno para makahinga nang malalim. Lucky color: Brown, lucky number: 15.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Kalimutan muna ang ego. Alisin ang mga pagpapanggap at maging mas totoo. Mas magiging magaan ang takbo ng buhay kung magpapakatotoo ka. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magbawas ng mga bagaheng dala pa ng nakaraan. Itapon na ang mga hindi kailangan. Maglinis din ng paligid dahil ang magulong kapaligiran ay makakadagdag sa iyong stress. Maging matalino sa pagdedesisyon lalo na kung may kinalaman sa pera. Lucky color: Peach, lucky number: 33.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lahat ng gusto mong mangyari ay madali mo lamang makukuha ngayon. Pati ang aspeto ng komunikasyon ay pinapaboran. Isang hindi inaasahang pagkikita ng isang dating kaibigan ang may malaking pagbabagong idudulot sa iyong love life. Lucky color: Gold, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ka dapat mahiya kung uunahin mo ngayon ang kagustuhan at pangangaila­ngan mo bago ang ibang tao. Maraming panahong ibinigay mo ang sarili mo para sa kapaka­nan ng iba. Mauunawaan ka ng mga tao sa paligid mo. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang pagmumukmok sa loob ng bahay ay walang idudulot na maganda sa iyo. Lumabas at magpahangin. Kailangan mo ng bagong pagkakaabalahan para maibalik ang iyong sigla. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag nang ipagpaliban ang pag-intindi sa iyong kalusugan. I-pamper ang sarili para ganap na makapagrelaks. Mas maraming magagan­dang ideya kung relaks ang iyong isip at katawan. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Una­wain ang damdamin ng ibang tao. Malaki ang maitutulong mo sa isang kaibigan o maaaring miyembro ng pamilya. Hindi mo naman kailangang ubusin ang iyong pera para maging masaya. Minsan sa simpleng salo-salo ay mararamdamam mo ang tunay na pagmamahal. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nasa love life ang pokus ng araw na ito. Kung naghahanap ka ng bagong mamahalain, kailangan mong maging sensitibo sa iyong palidid. May isang tao na laging nakamasid sa iyo at handang umalalay kapag kailangan mo. Lucky color: Violet, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May mga problemang mareresolba kahit hindi ka kumilos. Matutong mag-delegate ng responsibilidad. Hindi puwedeng pasanin mong lahat sa iyong balikat ang bigat. ‘Wag mahiyang magpa­tulong sa iba. Luck color: Gray, lucky number: 30.