Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/16/2019

244

Nonito Donaire

Kaarawan: Nobyembre 16, 1982

Malakas ang karisma. May angking talento sa pagpapasaya ng mga tao. Su­balit sa likod ng mga ngiti ay ang isang libo’t isang katanungan na naglalaro sa isipan. Marami siyang tanong sa mundo na nahihirapan siyang hanapan ng sagot. May misteryo sa kanyang pagkatao.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa unang tingin, maaaring akalain mong negatibo ang isang sitwasyon. Pero sa pagdating ng mga araw, mapapatunayan mong kailangan mo ito para i-push ka sa mas magandang kalalagyan. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mas tumitindi ang emosyon ngayon. Kung matindi ang iyong kagustuhan, kaya mong maabot ang pinapanga­rap mo. May oposisyon sa paligid pero ‘wag silang pansinin. Ituloy lang ang naum­pisahan. Lucky color: Silver, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mapu-push ka ngayon na gumawa ng isang malaking pagbabago at ito’y may kinalaman sa pamilya o sa loob ng bahay. Kailangan mong gawin ang pagbabagong ito para matapos na ang isyu. Mas masarap mamuhay kapag tahimk at walang kaaway. Lucky color: White, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Marami kang gusto at kailangang sabihin ngayon. Mahirap kang awatin lalo na kung inspirado ka sa mga ideya mo. At dahil nakikita ng mga tao ang iyong determinasyon, walang ma­ngagahas pumigil sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging isyu ang pera. Pero kaila­ngan mong ma-realize na hindi sukatan ng pagkatao mo ang dami ng iyong pera o ang laman ng iyong bank account. Pana­tilihin ang kumpiyansa sa sarili dahil ito ang magiging panlaban mo sa mga nang-aapi sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Importante ang araw na ito para sa iyo. May pangyayaring magkakaroon ng malaking impact sa buhay mo. Pero sa bandang huli, makikita mo ang mas malaking picture ng magiging future mo. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Itama ang makalumang paniniwala dahil ito ang humahadlang sa iyong ipinupursige sa buhay. Be positive. Iwasan ang pag-iisip ng hindi maganda. Mas unahin ang mga positive at makatotohanan. Luck color: Maroon, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag nang pag-aksayahan ng oras ang pagbibigay ng paliwanag sa mga taong kumukuwestyon sa iyo. Mananatili silang may duda. Hayaan mo na lamang na ang panahon ang magpatunay na tama ang iyong naging desisyon. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang pangyayaring may kina­laman sa iyong career ang ihahatid ng araw na ito. Positibo ang pagbabagong ito. ‘Wag nang pakinggan ang bashers. Mas alam mo kung ano at hanggang saan ang iyong kakayahan. Lucky color: Gray, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang araw na ito ay puwedeng ma­ging isa sa pinakamahalagang araw ng iyong career. Kung pursigido ka, walang makakapigil sa iyo. Kaya mong abutin ang tagumpay kung ito ang pagtutuunan ng pansin. Lucky color: Green, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pansamantalang huminto sa ginagawang kaabalahan at pag-aralan kung nagagamit mo ang talino at ta­lentong ibinigay sa iyo para makamit ang mga goal mo sa buhay. Marami ka pang kayang gawin kaya itodo na ang effort. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

LIBRA (Setyembre 23-Oktub­re 22) – Isang malaking pangyayari na hindi inaasahan ang magiging sentro ng usapin sa araw na ito. Maghahatid ito sa iyo sa panibagong direksyon. ‘Wag katakutan ang anumang pagbabago sa iyong buhay. Lucky color: Red, lucky number: 50.