Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/17/19

307

Alvin Patrimonio
Kaarawan: Nobyembre 17, 1966

Hindi siya ang taong mada­ling mag-react. Kinakapa muna niya ang sitwasyon at ang kanyang sarili kung ano ang dapat na maging reaksyon. Iniingatan niya kasi ang kanyang emosyon.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May humaharang sa pasok ng suwerte sa negosyo mo. Hindi ka dapat makampante. Dapat kang maging alisto sa mga taong makakasalamuha mo. May nagpapanggap na customer. Lucky color: White, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22- Disyembre 21) – Makakatanggap ka ng mga hindi inaasahang papuri mula sa nakatataas sa trabaho. Dahil dito ay madaragdagan ang kumpiyansa mo sa sarili. Gagawin mo rin itong inspiras­yon upang higit na maging mahusay ka sa iyong career. Lucky color: Maroon, lucky number: 13.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Hindi masasayang ang iyong mga pinaghihirapan. Ang lahat ng ito ay mapapakinabangan mo pagdating ng panahon. Matutong magparaya. Iwasan mo lang na balikan ang mga bagay na tapos na. Lucky color: Orange, Lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Matagal mo nang mahal ang tao na laging nasa tabi mo. Pero hindi mo masabi sa kanya ito nang harapan. Malalagay ka sa mahirap na sitwasyon pero sandal lang ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mabibingi ka sa katahimikan na maghahari ngayon sa inyong kabahayan. Ang lahat ng kasama mo sa bahay ay abala. Pero sa likod nito ay may tensyong namumuo. Ikaw ang maiiwan sa ere kaya gumawa agad ng hakbang. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) - Hindi ka magsisisi sa pagbibigay ng tulong sa isang malapit na kaanak. Makakaasa ka na tatanawin niya itong utang na loob. Makakaramdam ng kakakaibang saya dahil sa pagtulong sa kapwa. Lucky color: White, lucky number: 6

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Mapapanatag ka na. Makikilala mo na ang mga taong ayaw sa iyo. Wala kang ginawang masama kundi dala lamang ng pagseselos. Wala kang magagawa tungkol sa bagay na ito kundi tanggapin. Lucky color: Pink, lucky number:10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kasasabikan mo ang nalalapit na pagdating ng isang kaanak mula sa ibang bansa. Mabibigla sa dala nitong balita. Maraming kukunot ang noo at magtataas ng kilay kaya sasarilinin mo na lang muna ang mga ganap. Lucky color: Red, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan. Magdadalawang isip ka kung tatanggapin mo ba ito o hindi dahil maaapektuhan nito ang obligasyon at responsibilidad mo sa trabaho gayundin sa iyong pamilya. Lucky color: Gray, Lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Wala kang masamang tinapay sa iba. Sad­yang mapag-obserba ka lang na tao at lahat ng mga kaibigan mo ay dumaan sa iyong personal na pagsusuri. Ayaw mo nang masaktan kaya nag-iingat ka lang sa mga taong paasa. Lucky color: Green, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Punan ngayon ang mga pagkukulang sa kapartner. Planuhin ang lahat subalit hindi sasapat ang iyong oras. Kaya ang plano mo ay mananatili munang plano sa ngayon. Hangga’t maaari ay ‘wag mangako nang hindi ka pa sigurado. Lucky color: Blue, lucky number: 60.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi aayon sa’yo ang tadhana tungkol sa mga bagay na nais mong gawin. Pero hindi ibig sabihin ay hindi mo na ito dapat ituloy. Marami pang araw ang darating. Maghintay muna. Lucky color: Violet, lucky number: 17.