Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/18/2018

236

Owen Wilson
Nobyembre 18,1968

Hindi sila ang tao na mabilis na makalimot at magpatawad. Sa halip, gagawa agad sila ng plano para makabawi at maghiganti sa taong nakagawa ng masama sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ihanda ang sarili sa pagpasok ng maraming oportunidad. Kaya mong pagandahin ang araw na ito kung gugustuhin. Mas magiging produktibo sa group activity. Kumilos na at makipag-usap sa mga taong importante sa buhay. Lucky color: Green, lucky number: 11.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Pilitin ang sarili na makapagsimula ng physical activity. Kailangang ma-pump ang dugo para bumalik ang sigla. Mas gaganda ang takbo ng isipan kung aktibo ang katawan. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kahit na tambak ang trabaho, hindi maalis sa isip ang pamilya. Ang dapat gawin ay bigyan sila ng sapat na pana­hon sa iyong free time. Samahan ang special someone sa mga gawaing bahay.Mag-adjust sa schedule kung kailangan.Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May friendly competition sa opisina. Huwag personalin ang mga nangyari. Ma­ging patas sa ipinaglalaban na katwiran. Iwasang pag-usapan ang mga sensitibong topic dahil hindi ka mananalo sa argumento. Lucky color: White, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –May isang tao na gustong makipag-usap sa iyo. Huwang mahiya dahil totoo ang hangarin nito. Bigyan ng chance para makilala ito nang mabuti. Lucky color: Maroon, lucky number: 31.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasan ang sobrang pag-iisip. Maraming ganap sa iyong paligid kaya kumalma lang. Kung papatulan ang lahat ng ito ay mauubos ang iyong energy. Mag-ingat sa deadline at iwasang mag-panic. Lucky color: Red, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pagkatapos ng katahimikan, makakatanggap ng mga tawag sa telepono. Ayusin ang sarili bago lumabas. Mapapansin ang malakas na confidence sa iyong pagsasalita. Ituloy lang ang magandang simula. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

SCORPIO (Oktubre 23-Nob­yembre 21) – Hindi maiinip dahil sa dami ng gagawin. Kumawala sa regular routine. Ituloy ang mga bagong plano sa negosyo. Tignan sa ibang level ang problema dahil kung pag-iispang mabuti ay madali lang itong resolbahin. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tama ang araw na ito para sumubok ng mga bagong bagay.Tumikim din ng mga bagong putahe para sa bagong panlasa. Mag-iiba ang pananaw sa buhay dahil sa mga bagong kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Maraming tanong na naglalaro sa isip. Oras na para hana­pin ang mga kasagutan. Huwag sayangin ang oras sa kuwentuhan na walang kabu­luhan. Magugulat ang ilang kasama sa mga gustong simulan na pagbabago sa sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 39.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pumipigil sa gusto mong gawin. May mga tao sa paligid na gustong makialam sa iyong buhay. Aminin ang mga pagkukulang sa karelasyon. May mga bagay na hindi talaga para sa iyo. Tanggapin ito at mag-move on. Lucky color: White, lucky number: 20.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nagmistulang superhero dahil nasalba mo ang buhay ng isang kaibigan. Ang iyong taglay na kaalaman ang tamang sagot sa kanyang problema. Masaya ang magiging pag-uusap ng buong pamilya.Lucky color: Orange, lucky number: 44.