Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/18/2019

273

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maganda ang takbo ng iyong negosyo. Araw-araw ay palago ito nang palago. Kailangan mo lang iwasan­ ang mga taong nagsasamantala sa iyong kabutihan. Naghihintay lang sila ng isang magandang pagkakataon para pabagsakin ka. Lucky color: White, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mauubusan ka ng rason para tanggihan ang isang alok. ‘Wag munang manglaki dahil wala ka pang napapatunayan sa iyong sarili. Bumangon ka at gawin ang kailangan mong gawin. Lucky color: Black, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isa ka sa mga mapalad ngayong araw. Bukod sa ali­walas ng panahon ay makukuha mo pa ang isa sa mga bagay na gusto mo. Mapapangiti sa magandang umaga. Marami kang dapat ipagpasalamat sa Diyos. Lucky color: Green, lucky number: 34.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maga­gamit mo na rin sa wakas ang itinatago mong talent.­ Isang oportunidad ang magiging daan ng iyong tagumpay. Ang kakayahan mong ito ang magiging susi para sa promosyon sa trabaho. Lucky color: Silver, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa halip na magalit ay unawain mo na lang ang pagkakamali ng isa sa mga miyembro ng inyong pamilya. Bibig­yan mo siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili at payuhan na rin sa dapat niyang gawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 37.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Walang ibang makakasagot sa tanong mo kundi ikaw rin. May mga bagay na kailangang palampasin. Hindi lahat ay kailangan mong dalhin at hanapan ng sagot. Chill ka lang at piliting ngumiti. Lucky color: Peach, lucky number: 7.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi magiging madali sa’yo ang mga problemang nakahain ngayon sa harapan mo. Pero makakaya mo itong malagpasan. Marami sa iyong pamilya ang handang sumuporta sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magbabago ang ihip ng hangin ngayong araw na ito. Isang tao na dating malayo sa iyo ang biglang lalapit at makikipag-usap. Kalimutan na ang nakaraan dahil may bagong bukas na magpapakulay sa iyong buhay. Lucky color: Red, lucky number: 29.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Walang masama sa iyong nararamdaman. Matagal mo na itong kinikimkim sa iyong puso. Mas makakabuti kung sa­sabihin mo na ito sa kanya para makalaya ka na. Mata­gal ka nang pinahihirapan ng iyong pride. Ikaw lang ang makakatapos sa iyong paghihirap. Lucky color: Blue, lucky number: 46.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ipagkikibit balikat mo lang muna ang nasagap na balita. Walang may gusto ng mga nangyari. Sadyang ito ang naka­guhit sa iyong kapalaran. Lucky color; Gold. Lucky number: 32

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mababawasan ang tiwala mo sa sarili dahil sa haharapin mong kabiguan. Ang pagkakamaling ito na may kinalaman sa iyong trabaho. ‘Wag mag-isip nang hindi maganda. Mas mabuting kausapin ang pamilya at hingin ang kanilang suporta. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May importanteng bagay kang makakaligtaan dahil sa sobrang kaabalahan sa trabaho. Ang importanteng bagay na ito ay may kinalaman sa relasyon. Ayusin agad ang tampuhan bago mauwi sa malaking away. Lucky color: Blue, lucky number: 16.