Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/19/20

268

Mark Caguioa
Kaarawan:
Nobyembre 19, 1979

Hindi siya ang tipo na susuko sa pagsubok. Malakas ang loob at may matatag na kalooban. Hindi man siya expressive sa kanyang emosyon, gumagana ang kanyang isip sa bawat problemang kinakaharap kaya naman wala silang prblema na hindi na nasosolusyunan.

ARIES (Marso 21-Abril 19)-Mapipilitan kang makipagkita sa isang tao na ayaw mo na sanang makita. Guhit ito ng tadhanan kaya’t hindi mapipigilan. May isang tao na nagpapasaya sa iyo ngayon makapagbibigay sa’yo ng impormasyon tungkol sa bagay na ito. Lucky color: Green, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)-Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Anuman ang mga problemang nasa harapan mo ngayon ay hindi mananatili na nasa harapan mo. Malalampasan mo ito tulad ng mga nagdaang pagsubok sa buhay mo. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20)-Isang tao ang magbibigay sa’yo ng suporta at magpapalakas ng loob mo sa lahat ng iyong mga pinagkakaabalahan sa ngayon. Labis mo itong ikatutuwa at idadalangin na sana ay manatili siya sa tabi mo. Lucky color: Silver, lucky number: 55.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)-Huwag kang magpapadaig sa takot at kaba dahil sa sinasabi ng iba. Gusto nilang makita kung paano mo tatanggapin ang iyong pagbagsak kaya huwag mong ibigay sa kanila ang satisfaction. Tumayo ka at itaas ang iyong noo. Lucky color: White, lucky number: 15.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22)-Kung inaakala mo na mahal ka pa niya ay nagkakamali. ‘Wag mo na siyang hintayin dahil hindi na siya babalik sa iyo. Mas magiging maganda ang iyong buhay kung hindi siya ang makakasama mo. Lucky color: Red, lucky number: 28.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22)-Kung ayaw mong lumaki ang issue sa pagitan ninyong magkaibigan ay kailangan mo itong linawin sa lalong madaling panahon. Bago ka makinig sa iba ay siya na muna ang pakinggan dahil siya ang mas pinagkakatiwalaan mo. Lucky color: Old rose, lucky number: 37.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22)-Hindi mo ikakatuwa ang mga maririnig mo mula sa iyong mga kapamil­ya. Kahit pa ang lahat ng sasabihin nila ay para sa ikakabuti mo. Huwag kang magbingi-bingihan sa mga pangaral nila na dapat mong pakinggan at sundin. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21)-Matanda ka na para patuloy pang maging pasaway. Kailangan mo nang isipin ngayon kung ano ang makakabuti para sa iyong kinabukasan. Dapat ka ng maging mature sa pag-handle sa mga bagay bagay. Luckyc color: Gray, lucky number: 13.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)-Ang hassle sa trabaho ay hindi mo gaanong iindahin dahil sa mga taong nakapaligid sa’yo. Malaki ang tiwala sa’yo ng iyong grupo kaya kahit pumalpak ka ay bibigyan ka pa rin nila ng pagkakataon na makabawi. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)-Masyado ka nang na-stress sa trabaho. Subukan mo naman ang mag-relax para pumayapa ang puso mo at isipan. Magpunta sa mga lugar na maraming puno. ‘Wag hintayin na magkasakit ka pa bago ka magpahinga. Lucky color: Orange, lucky number: 48.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)-Hindi masama ang humingi ng tulong kung talagang kinakailangan. Pero kung meron ka pa namang magagawa para masolusyunan ang sarili mong problema ay huwag ugaliing umasa sa iba. Lucky color: Black, lucky number: 67.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20)-Magiging abala ka ngayon sa mga gawaing bahay. Gugugulin mo ang buong araw mo sa pag-general cleaning. May ilang bagay kang makikita na magpapaalala sa’yo sa nakaraan. Ibahin naman ang ayos ng kabahayan. Lucky color: Maroon, lucky number: 18.