Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/20/2018

186

Kristoffer Martin

(Kaarawan: Nobyembre 20, 1994)
Malihim at tahimik lang ang mga lalaking Scorpio pero palakaibigan lalo na sa mga tao na may katulad niya ng interest o ­hobby. Maalaga sa kanilang pamilya at gagawin ang lahat para mabig­yan sila ng magandang kinabukasan.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung magugunaw man ang mundo ngayon, isa ka sa mga ­taong hindi apektado. Kuntento ka ngayon sa iyong buhay at para kang nasa cloud nine. Isang malapit sa puso ang nag-iisang inspirasyon. May kakaibang glow sa iyo dahil sa nag-uumpaw na pag-ibig. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masasaktan ang iyong damdamin at dahil dito, posibleng matatagalan ka pa muli para umibig. ­Huwag ­umasa sa imposible. Maging realistic. Lucky ­color: Maroon, lucky number: 43.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magsuot ng kumportableng sapatos at maglakad-lakad. Kahit na ayaw mong maniwala, ikaw mismo ang makakatuklas sa isang sikreto. Huwag ipasa sa iba ang problema, sa halip harapin ito at lutasin. Lucky color: Red, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May tila pumipigil sa iyo sa gusto mong gawin. Alamin ang family history tungkol sa isang isyu. Sa pamamagitan nito ay masasagot mo ang maraming tanong. Magiging masaya sa paglaki ng pamilya. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mapapansin ang pagbabago ng paligid. Kung may aalis na kaibigan ay may iba namang paparating. Baguhin ang hindi magandang attitude na matagal nang pinagtatalunan ng ka-partner. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Labanan ang inggit dahil ito ang magiging mitsa ng problema. Makuntento sa kung anong mayroon sa iyong kamay. Magtiwala sa sarili at doblehin ang pagsisipag. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ­Gusto mo bang sumabak sa negosyo? Kung oo, ihanda ang sarili sa mga kaakibat na sakripisyo at responsibilidad. Ibase ang desisyon sa realidad at huwag sa pantasya. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa mga susunod na araw, isang matagal nang pangarap ang biglang matutupad. Makakapasok sa isang bagong mundo dahil sa kakaibang interest. Huwag matakot. Sa halip, i-explore ang kaakibat nitong mga oportunidad. Lawakan ang pag-iisip at huwag basta sumuko. Lucky color: Red, lucky number: 47.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Dahil sa maiksing pasensya, may isang tao na makakasamaan ng loob. Isang bagong lider ang mapipili. Huwag ikasama ng kalooban kung hindi ikaw ang napili. Hindi pa panahon para sa inaasam na puwesto sa trabaho. Lucky color: Brown, lucky number: 29.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May tatapik sa balikat dahil sa job well done. Tuldukan na ang isang alitan. Oras na para magsimula at lumabas sa comfort zone. Maging positive kahit na maraming duda sa sarili. Lucky ­color: White, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Alisin ang hiya kahit isang araw lang para magkaroon ng gabay sa pinapangarap. Manghihina­yang sa mga oportunidad na pinalagpas kaya’t mas mabuting magbakasyon muna para makapag-isip. Lucky color: Gray, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magi­ging masaya sa araw na ito. Tahimik ang paligid at maraming positive vibes. Maraming oras kasama ang pamilya. I-off ang cellphone para maka-focus sa kanila. Panahon na para bumawi sa mga naging pagkukulang. Lucky color: Green, lucky number: 2.