Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/20/2019

421

Kristoffer Martin
Kaarawan: Nobyembre 20, 1994

Masayahin at mada­ling makuntento. Mailap nga lang siya sa mga bagay na hindi siya sigurado. Kahit sa larangan ng pag-ibig ay medyo matipid siya sa expression. Para sa kanya ang mundo ay puno ng mga taong magpasamantala. Madali siyang magalit pero hindi mapagtanim ng sama ng loob.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas­yadong paimportante ang isang tao sa iyong paligid. At maaaring nagiging dahilan ito ng pagkaubos ng iyong pasensya. Paalala lamang na hindi makakatulong sa iyo kung papatulan mo siya. Lucky color: White, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Maaari kang matukso na baguhin ang isang sistemang hindi na masyadong umuubra para sa iyo. Makabubuting pag-isipan munang mabuti kung karapat-dapat ito. Tiyakin ang bawat kilos para hindi magkamali. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 11

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Kahit walang abiso, ituloy ang desisyon dahil alam mo na para ito sa kabutihan ng mas nakakararami. May taong tunay na masasandalan. I-celebrate ang mala­king improvement sa sarili. Lucky color: Violet, lucky number: 42 .

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaa­ring mawalan ka ng kakampi ngayon pero wala kang dapat ipangamba. Sa pagkakataong ito ay masyado kang inspirado at puno ng mga ideya kaya hindi mo kailangan ng kaalalay. Lucky color: Blue, lucky number 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang lahat ay may kanya-kanyang sikreto at hindi ka exemp­ted dito. Mas makabu­buting i-share mo na ito sa iyong partner dahil posibleng malantad ito sa mga susunod na araw. Lucky co­lor: Gold, lucky number: 67.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May oportunidad na magbubukas para magkaroon ka ng dagdag na kita. Pero hindi na­ngangahulugan na kaya mo nang mag-ubos-ubos biyaya. Anumang kikitain mo ngayon ay kakailanganin mo sa mga susunod na araw kaya kontrolin ang paggastos. Lucky color: Red, lucky number: 1.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Wala ka sa mood para tanggapin ang anumang second best dahil alam mo na nagawa ang the best. Mahalagang pa­natilihing bukas ang iyong isip. Maraming posibilidad at suwerteng darating. Lucky color: Orange, lucky number:27.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Higit sa lahat ng araw, ngayon mo kailangang maging positibo. Dito nakasalalay kung paano ka itatrato ng mga tao sa paligid mo. Kung nakikita nilang nawawalan ka ng pag-asa, mas lalo silang magdududa sa iyong kakayahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maaa­ring hindi mo maiwasan na maging emosyonal ngayon. Meron kang matatanggap na impormasyon na hindi mo magugustuhan. Sa pagkakataong ito, walang ibang opsyon kundi tanggapin ito at tuluyang mag-move on. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang ma-a-accomplish ngayon at sa mga susunod na araw. ‘Wag kainipan ang mga hinihintay mong resulta. Iwasang ding magmadali na maaa­ring makadiskaril sa iyong mga nasimulan. Habaan pa ang pasensya at paghihintay. Lucky color: Pink, lucky number: 36.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Marami kang ideya nga­yon kung paano mag-e-enjoy kasama ang iyong mahal. Ang lahat ng plano mo ay tumutumbok sa pagbibiyahe. Marami pang adventure na puwedeng ikonsidera. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Iwasang mag-react sa mga maliliit na isyu lamang. Makakaagaw lamang ng iyong atensyon ang pagiging emosyonal. Mas pa­borableng makapagpokus para walang maging aberya. Lucky color: Blue, lucky number: 57.