Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/21/2019

340

Betong Sumaya
Kaarawan: Nobyembre 21, 1975

Buo ang loob. Hindi siya ang tao na madaling takutin. Alam niya ang kanyang kakaya­han kaya hindi siya madaling ma­tinig sa sindak. May ikinukubli siyang kahinaaan kapag pamilya na ang sangkot. Sila ang lakas at kahinaan niya.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming puwedeng pagkaabalahan. Sundin ang idinidikta ng puso. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Kaibiganin ang bagong kapitbahay. Isalba ang pagsasamang nasira lamang sa pride. Lucky color: Gray, lucky number: 4.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May bakas pa ang nakalipas. Ituring na panaginip na lamang ito para makapamuhay na muli nang normal. Lucky color: Peach, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Makakahinga na nang maluwag. Magpasa­lamat sa taong nakatulong. Lucky color: Green, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mag-isip ng magandang ideya. May kabuntot na problema ang tuwa sa puso. Ingat sa mga pekeng kaibigan. Lucky color: Silver, lucky number: 16.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag munang magmalaki. Mag-ingat sa kilos dahil maraming matang nakatingin sa iyo. Lucky co­lor: Purple, lucky number: 46.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tignang mabuti ang paligid bago maglakad. Ikunsidera ang personal na dahilan kaysa sa katwiran ng kaibigan. Mapapalundag sa sobrang tuwa sa isang malaking sopresa. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Subukan ang ibang hobby tulad ng paghahalaman. Huwag tanggihan ang magandang alok na matagal nang inaasam. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makakaalis sa kinasadlakang sitwasyon kung gugustuhin. Makuha sa tingin para hindi masabihang manhid. Lucky color: White, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Bigyan ng tsansa ang taong malapit sa puso. Huwag ibuhos ang lahat, magtira ng kaunti para sa sa­rili. Lucky color: Blue, lucky number: 22

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Maglakad-lakad. Tignan sa mukha ang makakasalubong at tandaan ang pangalan ng makikilala. Lucky color: Orange, lucky number: 8.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maging malambing. Hindi lahat ng gusto ay puwedeng makuha. Tanggapin ang kapalaran. Lucky color: Red, lucky number: 38.