Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/22/2019

441

Yael Yuzon

Kaarawan: Nobyembre 22, 1983

Independent at maprinsipyo. Hindi sila takot na sumugal sa buhay dahil isinilang sila para maging lider. Kilala ang mga lalaking Sagittarius na mga adventurer, at mas gustong mapag-isa sa mga biyahe o trip. Malalim silang mag-isip at mahilig sa mga feel good na mga palabas.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Makakahinga na nang maluwag ngayong may kasama ka na. Matutong makisama. Magpasa­lamat sa taong nakatulong. Lucky color:­ green, lucky number: 56.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-isip ng magandang sopresa. May kabuntot na problema ang tuwa sa puso. Hayaan lang itong lumipas dahil bahagi lang ito ng buhay. Lucky co­lor: silver, lucky number: 16.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Tignang mabuti ang paligid bago maglakad. Ikunsidera ang personal­ na dahilan kaysa sa katwiran ng kaibigan. Mapapalundag sa sobrang tuwa sa isang magandang balita. Lucky color: gold, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag munang magmalaki. Mag-ingat sa kilos dahil maraming matang nakatingin sa iyo. Seryosohin ang mga payo ng matatanda na para sa iyong kabutihan. Lucky color: purple, lucky number: 46.

ARIES Marso 21-Abril 19) – Makakaalis sa kinasadlakang sitwasyon kung gugustuhin. Makuha sa tingin para hindi masabihang manhid. Isantabi muna ang mga problema at saka huminga ng malalim. Lucky color:­ white, lucky number: 33.

Related Posts

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Subu­kan ang ibang hobby tulad ng paghahalaman. Huwag tanggihan ang magandang alok na bagong trabaho. Subukan muna ito para walang pagsisihan. Lucky color: brown, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Bigyan ng tsansa ang taong malapit sa puso. Huwag ibuhos ang lahat, magtira ng kaunti para sa sarili. Mahirap nang tomodo lalo na kung hindi pa sigurado sa iyong damdamin. Lucky color: blue, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maglakad-lakad sa labas at mapupunong lugar . Tignan sa mukha ang makakasalubong at tandaan ang pangalan ng makikilala. Lucky color: orange, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming puwedeng pagkaabalahan. Sundin ang idinidikta ng puso. ‘Wag munang pakinggan ang mga sulsol na makakasira sa iyong diskarte. Lucky color: yellow, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May bakas pa ang nakalipas sa iyong puso. Mahirap mag-move on kung ikaw mismo ang kumokontra sa iyong sarili. Ituring na pana­ginip na lamang ito para makapamuhay na muli nang normal. Lucky co­lor: peach, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maging malambing sa taong malapit sa iyong puso. Hindi lahat nang gustuhin ay puwedeng makuha. Tanggapin ang kapalaran sa pag-ibig. Lucky color: red, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kaibiganin ang bagong kapitbahay. Isalba ang pagsasamang nasira lamang sa pride. Panghihinayangan ang relasyon na pinagbuhusan mo ng oras at emos­yon. Lucky color: gray, lucky number: 4.