Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/23/2019

283

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Huwag kuwestiyunin ang sariling choices. Bigyan ng tsansa ang sarili na ma-develop ang na­raramdaman na para sa iyong kaligayahan. Isang respetadong tao ang mag-aalok ng tulong. Lucky color; red, lucky number: 25.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Ene­ro 19) – Sari­linin ang problema tungkol sa pamilya. Puwedeng lumaki ang isyu kung ilalabas ito sa loob ng bahay. Magiging problema ang partner. Lucky color: maroon, lucky number: 10.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Magiging in demand sa business. Maraming tao na gustong maki­pag-usap at makihalubilo sa iyo. Ihanda ang sarili sa pagsagot sa mga tanong. Huwag maging martyr kapalit ng respeto. Lucky co­lor: black, lucky number: 26.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Love at kompetisyon ang mangingibabaw sa araw na ito. I-pamper ang sarili. Huwag malito sa isang alok na walang ibubungang maganda para sa sarili. Lucky color: white, lucky number: 16.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang tao ang makakatulong sa future. Sumali sa usapan. Maglakbay para makakilala ng mga bagong kaibigan. Lucky color: brown, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Feeling mo ay natalo ka. Mahihirapang makatrabaho ang ibang tao. Magtrabaho kahit na mag-isa para matapos ang dapat tapusin. Huwag pansinin ang nangyayari sa pali­gid. Lucky color: silver, lucky number: 33.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang puwedeng makapigil sa gustong gawin. Maraming gustong umeksena para mapunta sa kanila ang kredito ng magandang nagawa. Ingat sa mga hindi kilalang mga kaibigan. Lucky color: blue, lucky number: 6.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maglinis ng bahay. Ibahin ang ayos ng gamit para mag-iba ang ambiance pag-uwi. Walang dapat sisihin sa sariling kasalanan. Lucky co­lor: gray, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makukuha ang respeto ng mga kasama. Masuwerte sa pakiki­pagsosyo sa negosyo. Ingat lang sa paglalabas ng sobra-sobrang pera. Lucky color: yellow, lucky number: 25.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging mabenta ang ideya. Paga­nahin ang isip at imahinasyon. May kapupuntahan ang pagbabakasakali sa trabaho. Ipagpatuloy ang sipag at tiyaga. Lucky co­lor: pink, lucky number: 44.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tumigil sandali sa ginagawa at humarap sa salamin. Pag-aralan kung ano ang dapat na i-improve sa sarili. Magbakasyon para umaliwalas ang isip at gumanda ang awra. Lucky color: green, lucky number: 28.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Labanan ang depresyon. Sumubok ng bagong hobby. Gawin ang gusto para maging maayos ang kabuhayan. Mag-iiba ang pakiramdam sa malinis na kapaligiran. Magligpit ng mga nakakalat na gamit. Lucky co­lor: peach, lucky number: 12.