Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/26/2017

10

ARIES (March 21-April 19) – I-share ang anumang mayroon ka sa araw na ito. Dagdagan ang oras na exclusive para sa minamahal. Matulog ng maaga para may lakas sa party mamayang gabi. Lucky color: green, lucky number: 43.

TAURUS (April 20-May 20) – Mag-relax ka muna nang kaunti Mananaig ang pagi­ging ambisyoso. Hindi lahat ng bagay na magpapasaya sa iyo ay mabibili ng pera. Lucky color: yellow, lucky number: 32.

GEMINI (May 21-June 20) – Feeling matamlay dahil sa mga nangyari. Balikan ang hobby na nagpapasaya sa iyo. Magugulat sa big­laang bisita na hindi inaasahan. Lucky color: yellow, lucky number: 3.

CANCER (June 21-July 22) – May aagaw ng iyong atensyon. Magulo ang papasukin pero sobrang nakakakilig. Isi­ping mabuti ang pinaplanong adventure para walang pagsisihan. Lucky color: blue, lucky number: 7.

LEO (July 23-August 22) – Doblehin pa ang pagsisikap. Obserbahan muna ang taong gustong kausapin. Simplehan ang paglapit sa kasamahang nagugustuhan. Lucky color: gray, lucky number: 14.

VIRGO (August 23- September 22) – Kumilos-kilos at maglinis ng paligid. Walang mararating ang taong tamad. Tulungan ang sariling bumangon at maging inspired. Maraming magandang trabaho na naghihintay sa iyo. Lucky color: white, lucky number: 28.

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Ingat sa crowd o anumang ma­taong lugar. Magbabago ang naunang plano. May malaking challenge sa isyu ng pananalapi. Hinay–hinay sa paggastos. Lucky color: blue, lucky number: 9.

SCORPIO (October 23-November 21) –Tawagan mo ang nanay, kapatid o kaibigan. Sila ang isama sa pamamas­yal.Huwag personalin ang sinasabi ng mga naiinggit. Mas mabuting deadmahin sila kaysa komprontahin. Lucky color: orange, lucky number:40.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Maghahanap ng kausap na may matutunan ka. Tawanan ang joke kahit na corny dahil dito magsisimula ang magandang pagtititinginan. Bawasan ang pagiging reklamador. Lucky color: silver, lucky number: 30.

CAPRICORN (December 22-January 19) –Itodo ang porma para sa date mamayang gabi. Kailangang maging masaya dahil nagkatotoo na ang hinihintay. Lucky color: blue, lucky number: 18.

AQUARIUS (January 20-February 18) –Magpatulong kung hindi na kaya ang problema. Huwag hanapin sa ibang tao ng kasiyahan. Dapat itong manggaling sa iyo. Kaya mong lagpasan ang lahat basta’t magtiwala at manalig. Lucky color: maroon, lucky number: 10.

PISCES (February 19-March 20) – Ayusin agad ang gulo sa loob ng bahay. Maraming me­mories na babalikan. Isa na dito ang taong unang nagpasaya at nagpatibok ng puso na biglang magpaparamdam uli. Lucky color:gold, lucky number: 4.