Abante Tonite Interactive

Horoscope 11/14/2017

96

ARIES (March 21-April 19) – Makulay ang buhay-pag-ibig. Wagi ang pa-mystery effect. Marami ang lalapit at magkakaroon ng interes. Huwag pakawalan ang magandang oportunidad. Lucky color: maroon, lucky number: 16.

TAURUS (April 20-May 20) – Makakahinga na ng maluwag. Maaayos na ang tampuhan ng kasuyo. Buksan ang isip sa mga bagong ideya. May hatid na suwerte ang bagong kasosyo sa negosyo. Lucky color: white, lucky number: 8.

GEMINI (May 21-June20) – Isa sa mga kasamahan ang may paghanga. Labanan ang takot na walang basehan. Tignan ang kabutihang nagawa ng kasama bago ito husgahan. Panindigan ang prinsipyo sa buhay. Lucky color: gray, lucky number: 14.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Huminga ng malalim. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Pakinggang mabuti ang sinasabi ng isip at puso bago gumawa nang anumang desisyon. Ingat sa pagkukuwento ng sikreto sa kaibigan. Lucky color: green, lucky number: 18.

LEO (July 23-August 22) – Lalayuan ng mga kaibigan dahil sa hindi magandang ugali. Hindi pa huli para magbago. Isipin mo na hindi ka puwedeng mabuhay na mag-isa sa mundong ito. Matutong makisama. Lucky color: orange, lucky number: 40.

VIRGO (August 23- September 22) – Itu­loy ang magandang nasimulan sa trabaho. May kakaibang spark na mararamdaman sa taong papansin. Planuhin nang maaga ang planong long trip. Lucky color: gold, lucky number: 37.

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Piliin ang taong pagtitiwalaan tungkol sa pera. Mahirap nang mapasubo at mauwi sa wala ang pinaghirapan. Huwag kalimutang tignan ang dalang gamit bago umalis ng bahay. Kuwidaw sa bagong kasama sa opisina. Lucky color: yellow, lucky number: 8.

SCORPIO (October 23-November 21) –Huwag tatamad-tamad. Maraming puwedeng gawin para hindi masayang ang oras. Iwasan muna ang bisyo na hindi maganda sa kalusugan. Sumunod sa healty lifestyle. Lucky color: peach, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Komprontahin ang taong pasaway. Mag-move on na pagkatapos masaktan. Hindi matutuloy ang planong lipat-bahay. Ayusin muna ang mga dokumento para hindi mapasubo. Lucky color: green, lucky number: 48.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mamumulat sa totoong sitwasyon ng lovelife. Huwag itago ang pagkadismaya sa kapartner. Mas mabuting magsabi ng totoo para hindi na maulit pa ang pinag-awayan. Lucky color: red, lucky number: 5.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Irespeto ang kagutusan ng mas nakararami. Wala sa iyo ang problema kundi ang mga kasama na walang paki­alam. Pairalin ang diplomasya sa pakikipag-usap. Lucky color: brown, lucky number: 21.

PISCES (February 19-March 20) – Mas lalong mapapalapit sa pamilya pagkatapos ng mga nangyari. I-enjoy muna ang pag-iisa para makapag-isip. Gagaan ang kalooban sa paglabas ng katotohanan. Lucky color: green, lucky number: 1.